Chapter 17

1.5K 27 0
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

Tulala ako hanggang sa makarating sa office ni Thunder. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na may relasyon kami ni Thunder. Nasundan niya na naman ako.

Wala sa sariling napalingon ako sa aking paligid at tignan kung may sumusunod ba sa akin pero mukhang wala naman dahil masyadong tahimik ang paligid.

Kinakabahan na ako sa maaari niyang gawin kung sakali. Baka kasi sa susunod ay gawin niya na kung ano ang mga banta niya sa amin. Natatakot ako para sa kapatid ko, natatakot ako na baka isang araw ay mabalitaan ko na lang siya na wala nang buhay. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko.

"Hey, baby. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Thunder nang makalapit ako sa kaniya.

Agad kong inilapag ang kape sa kaniyang lamesa at tinitigan siya. Mabilis niyang hinapit ang aking bewang kaya napaupo na lang ako sa kaniyang kandungan. Pagkaupo ko ay agad kong sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

Natatakot ako dahil pati ang lalaking mahal ko ay dinamay na niya. Pati si Thunder na nananahimik ay binantaan niya na rin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Bakit naman lahat na lang ng mahal ko sa buhay? Bakit kailangan niya pang idamay ang mga taong nakapaligid sa akin?

"Baby, are you okay? Is there something wrong? You have a problem? You can tell me if you want," malambing niyang saad bago marahan na hinimas ang aking buhok.

"Thunder..."

"Yeah? May umaway na naman ba sa iyo sa labas? You want me to fire them? Just say it and gagawin ko talaga," sabi niya ngunit iniangat ko ang aking ulo at napailing ng ilang beses.

"No, wala naman."

"Then why do you look so sad earlier?" Seryoso niyang tanong.

"Wala. Thunder, ayos lang ako."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay niyakap ko na siya at baka magtanong na naman. Ayaw kong malaman niya na may nagbabanta sa kaniya dahil lang sa akin. Ayaw kong mag-alala siya dahil sa akin.

"Hmm, naglalambing lang pala ang baby ko," aniya kaya napatawa na lang ako nang mahina at kinurot ang kaniyang braso. Mukha wala lang ito sa kaniya dahil tumawa pa siya. Loko talaga.

"Magtrabaho na nga tayo."

Tumayo ako at iniwan siya roon. Nararamdaman ko kasi ang kamay niyang kung saan-saan na naman gumagala. Kulang na lang itali ko para hindi na gumala sa katawan ko.

"Baby!"

***

"Why the fuck is she late?" madiing tanong ni Thunder.

Hinawakan ko ang kaniyang balikat at pilit na pinapakalma. Walang gatas pa mandin dito.

Halos sampung minuto na kasi kaming naghihintay rito sa restaurant. May kikitain kasi kaming new model. Sa akin ay ayos lang naman, dahil hindi pa naman sobrang tagal na late ang new model ngunit itong kasama ko ay halos mag-alburuto na sa galit. Ayaw na ayaw niya talagang pinaghihintay siya ng matagal.

"Kumalma ka nga. For sure ay parating na rin siya kaya maghintay na lang tayo, kahit ten minutes pa ulit. And after ten minutes at wala pa rin siya, then doon ka magalit."

Hinawakan niya ang aking kamay na para bang sa pamamagitan noon ay kakalma siya. Hinayaan ko na lang at ramdam ko talaga ang kaniyang inis.

"Sorry, I'm late. There's a traffic kasi kanina."

Pareho kaming napalingon ni Thunder nang biglang may magsalita sa likod at doon nga ay nakita namin ang isang babae. Ang new model ng kompanya pero hindi pa naman siya nakakapirma ng kontrata. Ngayon pa lang dapat.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon