Chapter 24

1.5K 23 1
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Kailangan ba talaga naging lumipat, Ate?" Tanong ni Levin habang inaayos ang kaniyang bag.

"Levin, ito ang gusto ni Thunder. Ipapaliwanag ko na lang sa iyo kapag naroon na tayo sa kaniyang bahay. Kailangan natin 'to."

"Sa iisang bahay na lang talaga tayo titira? Paniguradong iisa lang ang kuwarto n'yo ni Kuya Thunder. Ayaw ko pang magkaroon ng pamangkin. Hindi pa ako rich Tito. Sinasabi ko lang kay Kuya Thunder na gusto ko na ng pamangkin pero ayaw ko pa talaga," natatawa niyang saad kaya't natawa na lang din ako.

"Malabo pa iyang sinasabi mo, Levin. Wala pa akong balak magka-anak hangga't hindi ka pa nakakapagtapos ng college."

"Ilang taon pa iyon, Ate. Makakatagal kaya si Kuya?" Tanong niya pa.

"Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang ay makapagtapos ka ng pag-aaral mo."

Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng gamit at nang matapos ay lumabas na kami sa salas. Busy si Thunder sa pagtingin sa tatlong isda.

"Thunder."

"Oh, you guys ready?" Tanong niya at nilapitan ako at kinuha ang bag na dala-dala ko.

"Yeah. Tapos na mag-impake si Levin."

"Alright. Balikan na lang natin 'tong mga anak natin," aniya at tinignan ang mga isda.

Napailing na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Talagang itinuring niya nang mga anak ang tatlong tilapia na binili namin sa palengke noon. Masyadong mabait si Thunder at pati isda ay ginawang anak.

"Hey, why are you laughing, baby?" Ungot niya at niyakap ako sa bewang.

"Wala lang. Ang cute mo lang kasi everytime na sinasabi mong anak natin ang tatlong isda na 'yan."

"Baby, alam mong gusto ko nang magkaroon ng anak. But I have to respect your decision, I know na kailangan mo pang pag-aralin itong si Levin hanggang sa maka-graduate siya. I'll wait, don't worry. For now, sina Lala, Lili, at Lulu na lang muna," aniya kaya mas lalo akong napangiti.

He never failed to make me smile. A husband material indeed.

"Tama na nga kayong dalawa. Masyado na kayong corny," singit ni Levin. "Hindi pa ako ready magkaroon ng pamangkin. Joke lang iyong sinabi ko kanina."

"Fine," ungot ni Thunder.

Napailing na lang ako bago niya kinuha sa aking kamay ang bag na dala-dala ko. Puro damit lang naman ang dala namin. Sabi nga niya ay huwag na at bibili na lang ng bago pero tinutulan ko ito. Maayos pa naman ang mga damit namin kaya hindi na kailangang bumili ng bago. At isa pa ay siguro naman hindi kami magtatagal doon sa bahay niya.

Ang usapan namin ay kapag nahanap na ang lalaking iyon ay ibabalik niya na kami sa dati naming bahay. Talagang kailangan lang namin lumipat ni Levin dahil nga sa banta ng lalaking iyon.

Gabi na nang makarating kami sa bahay ni Thunder. Agad niyang inihatid si Levin sa magiging kuwarto nito bago ako hinila.

"This is my room, baby. Oh, let me rephrase that, this is our room."

"Matulog na tayo, Thunder. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga."

"Fine, bukas ay mag-uusap tayo ulit tungkol sa lalaking iyon."

Hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit at basta na lang inihiga ang katawan sa malaking kama na narito sa kaniyang kuwarto. Naramdaman ko na lang din ang kaniyang pagtabi sa akin at iniyakap ang mga braso sa aking bewang.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon