Levana Hera Nyx's Point of View
"Ate! Nandito na ako!"
Nakaupo lang kami pareho ni Thunder nang marinig ang sigaw ni Levin. Talaga naman ang batang 'to, akala mo ay nasa kabilang bundok pa ang sinisigawan.
Ilang sandali pa ay narito na siya sa salas. Agad niya akong hinalikan sa noo at nag-fish bomb naman silang dalawa ni Thunder. Nasanay na talaga silang dalawa sa isa't isa.
Pagkatapos ng nangyari kanina sa palengke ay agad kong inamo si Thunder. Mahirap na, masyado kasing matampuhin ang isang 'to. Mabuti na lang talaga at napaamo ko kaagad siya. Katulad nang sinabi niya ay binalikan niya sina Lala, Lili, at Lulu. Bumili na rin siya ng maraming pagkain ng mga isda.
Hays. Instant anak kaagad. Kung ano-ano talaga ang naiisip niyang kalokohan. Akala ng iba ay seryoso lang si Thunder, hindi nila alam may pagka-makulit din ang isang 'to.
"Oh, ano 'to, Ate? Aalagaan natin at kapag malaki na ay uulamin? Masarap 'to iprito. Magkano bili mo rito?" Tanong ni Levin nang makita ang tatlong tilapia na lumalangoy sa aquarium.
"Don't you dare, Levin. Anak namin 'yan ng Ate mo. Hindi puwedeng gawing prito," agad na banta ni Thunder.
"Ha? Anak? Ate, kailan pa kayo naging isda ni Kuya?" Natatawang tanong ni Levin.
"Magbihis ka na nga, Levin. May pinirito akong saging doon kung nagugutom ka, magmeryenda ka muna."
"Seriously, Levin, don't hurt our children," saad ni Thunder.
"Baliw ka na talaga, kuya. Ano'ng mga pangalan ng mga anak ninyo kuno?" Tanong ni Levin at naupo sa kabilang bangko. Tinignan nito ang mga isda at tumawa.
"They are Lala, Lili, and Lulu," nakangiting sagot ni Thunder.
"Okay, sabi mo, 'e. Makabihis na nga," natatawang saad ni Levin bago pumasok sa kaniyang kuwarto.
Lumipas ang gabi at dito na naman balak na matulog ni Thunder. Dito na talaga siya sa amin tumira. Hindi ko alam kung hinahanap ba siya sa kanila.
"Kailan ka uuwi sa inyo?"
"Why, baby? You don't want to be with me anymore?" Nakasimangot niyang saad. Para talagang bata kung umasta kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Makunan nga minsan ng video. Sobrang cute, 'e.
"OA mo naman. Nakakahiya lang kasi kay Tita. Mas lamang pa ang oras na narito ka kaysa sa inyo, baka magtampo ang Mommy mo."
"She won't and I am old enough na naman. Dad said nga that I should have my own family na nga. But I respect your decision kung ayaw mo pang magpakasal sa akin," katwiran niya pa at itinaas ang kamay na para bang inaabot ako.
"Kahit pa, hindi pa naman tayo kasal kaya dapat na hindi pa tayo nagtatabi sa higaan."
"Baby, kasal man o hindi, I'll make sure na sa akin pa rin ang bagsak mo," aniya kaya wala na akong nagawa pa dahil sa kakulitan niya.
Napailing na lang ako bago nahiga sa kaniyang tabi. Hindi talaga ako mananalo sa kaniya. Gagawa at gagawa siya ng rason sa mga sinasabi ko.
***
"Thunder, wala ba tayong regalo sa mommy mo?"
"Hmmm, I was actually thinking about that. She can buy everything na kasi so I don't know what should I give to her now," sagot niya.
"Ano bang ibinigay mo sa kaniya last year?"
"A necklace worth five billion pesos," simple niyang sagot.
Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sagot niya. Seryoso? Ganoon kamahal ang regalo niya? Juskooo! Kaya ko nang mabuhay habang-buhay dahil sa perang inilabas niya para sa kuwentas. Pero kung iisipin, barya lamang ang halaga ng kuwentas na iyon kumpara sa kabuoang pera nila. At saka, deserve ni Tita na regaluhan ng ganoon kalaking halaga ng kuwentas.
BINABASA MO ANG
Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓
RomanceFerrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics