Chapter 25

1.6K 26 1
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

Today is Thursday at pumasok na nga kami ni Thunder. Tulad ng inaasahan ko ay tambak nga ang trabaho ni Thunder ngayon. Ayaw pa nga sanang pumasok pero mabuti na lang ay napilit ko rin.

Kahapon ay kinuha namin sina Lala, Lili, at Lulu sa bahay. Hindi raw puwedeng maiwan sa bahay ang mga anak namin. Ang nakakatawa nga ay may sariling kuwarto ang mga isda. Nasa isang guest room ang mga ito para raw walang istorbo kapag natutulog ang mga anak namin. Sosyal na mga isda, may sariling kuwarto.

Gusto na nga yata talaga niyang magkaroon ng anak pero ako lang itong may ayaw. Bata pa naman kami. Kailangan muna naming i-enjoy ang buhay bago gumawa ng mga desisyong panghabang-buhay. Malaking responsibilidad ang pagiging ama at ina. Baka hindi ko pa kayanin.

"Baby, I'm tired," biglang salita ni Thunder. Nakasuot ito ng kaniyang reading glass at may hawak na sign pen. Medyo magulo rin ang kaniyang buhok at tanggal na ang necktie.

Nilapitan ko ito bago inayos ang buhok na magulo. Agad niyang hinawakan ang aking bewang at ngumuso, parang nanghihingi lang ng kiss. Pagod na pagod tuloy siya ngayon. Hindi kasi nakinig sa akin kahapon na pumasok kami.

"Ano ka ngayon? Hindi ba sinabi ko sa iyo na pumasok tayo kahapon dahil wala namang gagawin? Ang yabang mo pa kamo kahapon. Pagod ka tuloy ngayon?"

"Sermon na naman, baby? Just kiss me," parang bata niyang utos kaya napailing na lang ako. Bahagya akong yumuko bago hinalikan ang kaniyang noo. "Really, baby? Hanggang forehead lang?"

"Tapusin mo muna lahat ng work mo bago ka manghingi sa akin ng kiss."

"It's just a kiss, baby. Why won't you give it to me? You don't love me anymore? Damn!" Aniya.

"OA mo naman. Magtrabaho ka na lang diyan, Mr. Ferrer."

"Fine, Mrs. Ferrer."

Agad na akong bumalik sa table at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho. Mag-aalas dose na nang makalahati niya ang mga papeles na dapat permahan. Hindi pa rin tapos. Mukhang matatagalan pa siya.

"Thunder, hindi ka pa ba gutom? Lunch break na."

"Are you hungry? Come on, let's eat."

Agad niya akong hinila palabas ng kaniyang office. Hindi na ako nagulat sa tinginan ng ibang tao. Sanay na naman ako kaya wala nang silbi kung papansinin ko pa sila.

"Oh, wait," biglang saad ni Thunder at tumigil bago ako hinarap.

"Ha? Bakit? May nakalimutan ka?"

Hindi siya nagsalita at basta na lang tinanggal ang aking salamin bago kinuha ang puyod na nasa kan'yang bulsa. Pumunta siya sa aking likod at pinuyod ang aking buhok, nag-iwan siya ng iilang hibla sa harapan at tinali. Simpleng ponytail lang naman ito at hindi ko alam kung paano siya natutong magpuyod.

"There! Damn, sobrang ganda talaga ng baby ko," aniya na para bang sarili ang kinakausap.

"Thunder..."

"Don't hide your beauty, baby.".

"Pero pangit ako, Thunder."

"How many times do I have to tell you that you are beautiful? Maganda ka, lalo na sa paningin. So, chin up, baby."

Ngumiti siya bago hinawakan ang aking kamay at hinila. Nagpatangay na lang ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Umorder siya ng pagkain at nang dumating ay kumain na kami.

"Oh my gosh! You guys are here din pala."

Sabay kaming napalingon ni Thunder sa likod at doon nga ay nakita namin si Storm. Nakasuot ito ng red fit dress na may slit sa kaliwa, nakalugay din ang kaniyang mahabang buhok at may dalang black na hand bag.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon