Chapter 5

2.2K 44 0
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Hello there, pretty Ate Levana," bigla akong napalingon sa nagsalita at doon nga ay nakita ko si Uno, Dos, at Tres na palabas na sa opisina ng kanilang Kuya.

Umalis kasi ako kanina sa loob upang bigyan sila ng time na magkakapatid. Halos isang oras din ang itinagal nila sa loob at hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila. Hindi naman kasi ako chismosa katulad ng iba.

"Sir Uno—"

"Oh, please. Don't call us 'Sir'. Si Kuya lang naman ang boss mo and besides, you are older than us. Kami dapat ang nagbibigay galang sa 'yo," nakangiting saad ni Tres kaya't napangiti na lang din ako.

Pinalaki silang magalang ng mga magulang nila. Bihira ang ganito.

"How old are you, Ate Levana?" Dos asked.

Sa kanilang tatlo ay siya talaga ang pinakaseryoso. Seryoso rin naman si Tres ngunit napansin ko kanina na may kakulitan din siyang taglay, katulad ni Uno.

"I am 23 years old."

"Oh, we're 20 years old and our Kuya Thunder is 25," mahinang saad ni Dos kaya't napatango na lamang ako.

Hindi ko kasi alam kung ako ba ang kausap niya dahil sa sahig siya nakatingin. Pero parang sarili niya lang ang kinakausap niya.

"Na-meet mo na ba si Ate Storm?" Biglang tanong ni Uno, napatingin ako rito at ngumiti. Inayos ko rin ang aking salamin na bahagyang nahulog sa aking mata.

"'Yong kambal ng Kuya mo? Oo, na-meet ko na siya."

"Nice, how about Mom and Dad?" Tanong niya ulit at ngumisi pa.

Ano'ng klaseng ngisi iyan? Para bang may masama siyang binabalak.

"Yes! Na-meet ko na rin si Mr. and Mrs. Ferrer."

"Oh, so ang quadruplets na lang pala ang hindi mo pa nakikilala," sabi ni Tres.

Quadruplets? May iba pa silang kapatid?

"Quadruplets? May quadruplets kayong kapatid?"

"Yes. Kuya Thunder and Ate Storm are twins. Me, Uno, and Dos are triplets. And, Terrain, Aqua, Flame, and Sky are quadruplets. They are 17 years old now," sagot ni Tres.

Hindi ko akalain na siyam pala silang magkakapatid. I mean, halos ilang beses ko na rin naman nakausap si Mrs. Lexie Mazelle Ferrer pero wala sa itsura niya na mayroon na siyang siyam na anak. Sa katunayan nga ay para lang siyang nasa 30's, same with Mr. Vhiel Adriel Ferrer.

"I thought you guys will leave my company na? Why are you still talking to my Hera?"

Biglang saad ng isang malamig na tinig kaya't napalingon kaming apat dito. Mula sa pinto ay doon namin nakita si Sir Thunder na nakasandal sa hamba ng pinto at tila ba ay inoobserbahan kaming apat.

"Don't be jealous, Kuya Thunder. Gusto lang naman naming makausap itong girlfriend mo. Alam mo na, para naman may maikuwento kami kay Mom and Dad mamaya sa bahay," lokong sagot ni Uno.

"Uno, hindi ako girlfriend ni Sir Thunder!"

"Oh? Paano ba 'yan? Mukhang itinatanggi ka ng girlfriend mo, Kuya," tawa ni Tres.

Tinignan ako ni Sir Thunder nang masama kaya para akong tuta na napayuko na lamang. Hindi niya naman kasi talaga ako girlfriend kaya bakit siya nagsisinungaling sa mga kapatid niya? Masama kaya 'yon.

"She's my girlfriend. Now, leave my company," malamig na saad ni Sir Thunder.

Tumawa lamang si Uno bago hinawakan ang aking buhok at bahagyang ginulo, narinig ko pa ang malakas na asik ni Sir Thunder dahil sa ginawa ng kan'yang kapatid. Si Dos ay tumango lamang sa akin habang ang parehong kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa at si Tres naman ay ngumiti at kumaway sa akin.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon