Chapter 23

1.4K 34 1
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Who the fuck gave you this?" Galit niyang tanong.

"T-Thunder..."

"I am asking you, Levana Hera Nyx Imperial. Who the fuck gave you this?" Pagtatanong ulit niya.

Ramdam kong nagpipigil lang siya ngunit rinig na rinig sa kaniyang boses na galit talaga siya. Paano ko ba ito ipapaliwanag? Hindi ko gustong malaman niya ang taong iyon. Ayaw kong mapahamak siya pero ano'ng gagawin ko? Nalaman niya na at hawak niya pa ang bulaklak.

Saan niya ba kasi ito nakita? Ang alam ko ay itinapon ko na ito.

"I can explain, Thunder."

"Then explain! Are you cheating on me?"

"Of course not! I am not cheating on you at hindi ko iyon gagawin. Mahal kita, Thunder, sobrang mahal kita kaya hindi ko gagawin ang nasa isip mo."

"Then how can you explain this? Someone gave you flower. You're still entertaining someone while you're in a relationship with me? I swear, Hera, hindi ka na makakatakas sa akin kahit pa subukan mong umalis sa piling ko."

"Thunder, ano ba! Hayaan mo muna akong magpaliwanag."

Kinuha ko sa kaniyang mga kamay ang bulaklak bago siya hinila at pinaupo. Naiintindihan ko siya, naiintindihan ko kung bakit siya nag-iisip ng ganito. Kung bakit naiisip niyang nagtataksil ako sa kaniya.

Pero hindi ko naman siya niloloko. Masyado ko siyang mahal para gawin iyon.

"Explain."

"When I was twelve, someone attacked our house. They killed our mother and father, I was so scared by that time. I was afraid and shocked. Imagine how old I was when I witnessed a crime? I was only twelve and Levin was only three. Akala ko after no'n ay tapos na. Akala ko ay iyon na ang pinakahuli but no! That guy was still hunting us. Hindi niya kami, ako tinitigilan. He's obsessed with me kaya ang ginawa ko ay lumayo kami ng kapatid ko. Napadpad kami sa lugar na 'to, nag-disguise ako para hindi niya na ako makita pa. Nagsuot ako ng mahahabang mga damit upang maitago ang aking katawan, alam ko kasing katawan ko lang ang habol ng lalaking iyon. Nagsuot ako ng malaking salamin para hindi niya ako makilala, para kahit papaano ay matakpan itong mukha ko. Ang mukha kung bakit napahamak ang pamilya ko."

"Baby..."

"I did everything to make my brother live. Ginawa ko ang lahat para mabuhay kami pareho. Nagtrabaho ako sa mura kong edad para may maipakain ako sa kapatid ko. Tiniis ko lahat, ang pangungutya nila sa akin, ang pagmumura at lait na natatanggap ko. Minsan nga ay binabastos pa nila ako kahit ganito na ang suot ko. Naghirap ako, Thunder. Sobrang nahirapan ako pero hindi ako puwedeng sumuko dahil may umaasa sa akin. Hindi puwede kasi kawawa si Levin kapag nawala ako. Palipat-lipat ako ng trabaho dahil ayaw nila sa akin kaya laking pasasalamat ko sa iyo dahil tinanggap mo ako kahit ganito ang itsura ko."

"Hera..."

"Nagsimulang magparamdam ulit sa akin ang lalaking iyan noong nagkalapit tayong dalawa. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala at kung paano niya ako natunton. Akala ko makakaligtas na kami sa kaniya pero hindi pala dahil ilang beses niya na akong pinapadalhan ng mga gan'yang bagay."

"Why didn't you tell me?"

"Because I was afraid! Takot akong masaktan ka, kayo ni Levin kaya inilihim ko. Hindi ko gustong masangkot kayo sa gulong 'to. Natatakot ako, Thunder. Pinagbabantaan niya ang buhay mo at buhay ni Levin. Hindi ko siya kilala at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

"Hush now, baby. I understand, stop crying."

Agad niya akong kinabig at sinandal sa kaniyang dibdib. Doon ay ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Matagal akong nagtiis, matagal kong kinimkim ang pakiramdam na 'to. Gusto ko itong ilabas ngunit hindi ko naman alam kung kanino kaya malaki na rin ang pasasalamat ko kay Thunder dahil narito siya para damayan ako.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon