Chapter 1

2K 36 2
                                    

Fon POV

hi my name is Storm Hernandez but my fam and friends they call me Fon, I liked being called Fon kasi bigay ng lola ko yung nickname na yon and ayoko na may tumatawag sa'kin ng storm kasi ayoko lang. :)

 Maaga ako dumating ng school dahil may meeting pa daw kami sabi ni coach josh, di na sana ako pupunta sa meeting kaso pinilit ako ng mga kaibigan ko dahil sabay-sabay daw kami pupunta sa gym. btw table tennis player kami ng mga kaibigan ko.

"players!" sigaw ni coach pag pasok namin sa gym.

"coach" sigaw ni bea isa sa mga players na kaibigan ko din.

tumakbo na kami patungo sa kinatatayuan ni coach. 

"nakausap ko na ang prof niyo at ang dean na this week ay whole day ang inyong training dahil malapit na ang laban niyo, Fon dahil ikaw ang  captain ball ikaw na bahala sa mga kasama mo." sabi nito sakin.

"yes coach" sagot ko. aalis siguro to kaya sakin nanaman pinabantay tong mga ungas na to.

"start na kayo ngayon, aalis muna ako dahil may aasikasuhin pa ko" tapik nito sa balikat ko sabay takbo palabas ng gym.

"hoi Fon wag mo kami pagurin ha" sabi ni gail habang nag susuot ng sapatos.

di ako sumagot at nag ayos na din ako dahil nag punta ako dito na naka uniform. buti nalang talaga whole day training namin ngayon, ang boring kasi sa klase.

pagkatapos namin mag ayos lahat ay sinimulan na namin mag warm up at mag drills dahil ang bilin sakin ni coach ay ako muna ang bahala dito habang wala siya.

"Fon ayoko na pagod nako" si gail habang nagsshadowing.

"yan palang nga nagagawa mo pagod ka na, wag mo'ko artehan baka tadyakan kita diyan" pagbibiro ko dito. daming angal pag ako pinagbabantay ni coach, pero pag si coach di maka angal ang gago.

habang busy sila sa mga ginagawa nila naisipan ko naman puntahan sandali si coach sa kanyang office para itanong kung may ipapagawa pa siya samin.

habang naglalakad ako papunta sa kanyang opisina ay bigla ako nakaramdam ng gutom kaya dumaretso muna ako sa cafeteria. habang tumitingin ako ng makakain ay may biglang pumalo sa likod ko. wtf?

bigla ako napalingon sa likod ko. "hoy akala ko san ka pupunta dito ka lang pala" si gail. naneto talaga.

"mamaya ka sakin" sabi ko at bumili nako ng makakain. katapos ko mag bayad hinila ko palabas si gail.

"aray ha" sabi nito.

"wow, mas masakit kaya yung ginawa mo kanina sakin" sabay kurot sa tagiliran nito.

"e kasi naman pagod na pagod na kami tapos ikaw tamang kain lang dito?" reklamo nito.

"pupunta talaga ako kay coach, e bigla ako nagutom kaya dumaretso muna ako dito" sabi ko sabay hila papunta sakanya papunta sa office ni coach. daming sinasabi.

pag pasok namin sa office nito ay may kinakausap ito kaya umupo muna kami  ni gail sa gilid.

"patikim nga" sabi ni gail na nakatingin sa kinakain ko.

"andon ka na kanina di ka pa bumili" reklamo ko.

"e pano ako bibili hinila mo'ko palabas" hirit nito.

"ay hinila ba kita" natatawa kong sabi.

"gaga" irap nitong sabi. "ay oh tignan mo ung kausap ni coach hindi ba si ali garcia yon?" turo nito sa girl na kausap ni coach. 

"ali garcia?, sino yon" tanong ko dito. parang ngayon ko lang narinig name niya, halos kilala ko mga student dito.

"transferee yan, kahapon na meet ko siya sa gate ng school" si gail.

Give Me Your ForeverWhere stories live. Discover now