Ali POV
andito ako ngayon sa kama habang hawak ang sentido ko, shit ang sakit napadami ata inom ko kahapon. kinuha ko ang phone ko para itext si dos nakakahiya naman kung di ako magpapasalamt sa kanya dahil hinatid ako dito sa bahay.
pagkatapos ko itext si dos ay agad nako bumangon para akapag hilamos at para makapag almusal na din.
"goodmorning ija" bati ni dad pagbaba ko.
"morning dad, where's mom?" tanong ko sa kanya at tumabi sa kanya sa couch.
"maaga nag punta sa restobar" sabi nito.
"nag breakfast ka na?"
"coffee lang"
"okay, gawa lang din ako coffee" tumayo ako at nag punta ng kusina.
"nga pala, di mo sinabi na nakauwi na pala si fon" sabi nito.
"ha, bakit?" nagtataka ko itong tinignan.
"siya nag hatid sayo kagabi" sabi nito. para ako nabingi sa sinabi nito. shit akala ko si dos ang nag hatid sakin dahil siya lang naman kasama ko kahapon, oo kasama ko mga kaibigan ko pero ang alam ko na si dos lang ang pwede mag hatid sakin. dali dali ako umakyat ng kwarto para kunin ang phone ko.
pagkakuha ko ng phone ay agad ko itong binuksan. shit nag reply siya.
"si fon ang nag hatid sayo and I'm sorry di kita nahatid dahil sa ka epalan ng fon na yon. see u later" reply nito.
ah shit may pasok pala kami sa hotel mamaya, idk kung makakapasok ako sobrang sakit ng ulo ko. nireplyan ko na din ito na di ako makakapasok dahil masakit pa ang ulo ko.
"ali, fon's here" rinig kong sigaw ni dad. fuck ano ginagawa niya dito. lumabas ako ng kwarto at sinilip muna ako bago tuluyan bumaba. wala na din si dad sa sala.
"what are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"ow hi goodmorning"
"walang good sa morning"
"ahm can we talk?" sabi nito. nakatayo lang ako sa harap niya.
"nag uusap na tayo, ano bang pakay mo at andito ka ng ganito kaaga" naglakad ako patungo sa kusina dahil mag aalmusal ako. naramdaman ko naman ang kanyang pag sunod.
"ikaw, ali gusto kita" lumapit ito sakin.
"okay, yun lang ba sasabihin mo? kung yun lang pwede ka ng umalis"
"galit ka parin ba sakin? kung galit ka please i'm sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo sorry di ko man lang nasabi sayo sorry din kung hindi ako nagparamdam sayo"
"tapos ka na?" humarap ako sa kanya.
"ali please wag na magallit sakin"
"katapos mong umalis at halos mag aapat na buwan ka ng walang paramdam tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyare?"
"kaya nga eto ako ngayon para ayusin lahat ng iniwan ko dito lalo ka na ali, gusto ko bumalik yung dating tayo"
"ang tagal kitang hinintay fon, ang sabi sakin ni gail nag bakasyon ka lang yun pala sa new york ka na nakatira. fon matagal na kitang gusto pero dahil sa ginawa mong hindi pag paparamdam sakin, yung nararamdaman ko para sayo wala na kaya please lang umalis ka na" sigaw ko dito. gusto ko umiyak pero ayoko ipakita sa kanya dahil ayoko nakikita niya ako umiiyak dahil sa kanya.
"ali sorry please ayusin natin to" akmang yayakapin niya ako kaya agad ko ito itinulak.
"please umalis ka na fon" mahinahon kong sabi. umiiyak na ito sa harapan ko habang nag mamakaawa pa din.