Fon POV
lumabas muna ako ng locker para tignan kung ano na ang nangyayare sa dalawa.
"fon" si coach
"coach start na ba kami mag drill ulit?" tanong ko ng nakalapit ako dito. napatingin naman ako kay timothy na masama ang tingin sakin.
hanggang ngayon ba naman galit na galit siya sakin dahil binusted siya ni mia, dahil daw sakin kaya ayaw sa kanya gago ba siya, kasalanan ko ba na sakin may gusto. btw si mia ay anak ni coach josh at ex ko. yeah I'm not straight bata palang ako alam ko na nagkakagusto din ako sa babae at alam yon ng parents ko. halos lahat naman ata dito sa school alam na di ako straight at ex ko si mia.
5 months na nakalipas nang makipag break sakin si mia pero etong timothy na to di pa din maka move on at galit na galit pa din sakin.
"yes sige na at tawagin mo na mga kasama niyo, all of you sa office ko" si coach at lumabas na ng gym. nakasunod naman sila habang si timothy na masama pa din ang tingin sakin kaya tinitigan ko lang ito. gago talaga.
kinuha ko phone ko sa bulsa at tinext si gail na lumabas na ng locker room. tinatamad nako pumunta don kaya text ko nalang siya.
"start na tayo" sabi ko nang makalapit na sila dito.
"yes capt." sigaw nilang lahat maliban kay ali na tahimik lang.
"mag drills na kayo, medyo sumakit ulo ko kaya kayo na muna" sabi ko at umupo muna sa gilid.
"yess capt" sigaw ulit nila at nag start na sila sa pag ddrills.
kanina pako nakatingin sa phone ko dahil sa message ni mia, gusto niya makipag kita sakin after ng training namin. diko alam kung anong gusto niya simula kasi nung nakipag break siya dumistansya nako sa kanya.
*flashback*
"fon magkita tayo ngayon" si mia sa kabilang phone.
"why?, biglaan naman ata" tanong ko dito, wala man lang hi. yun agad ang bungad.
"basta kita nalang tayo sa park malapit sa village niyo" sabi nito sabay patay ng phone.
ano kaya problema non. ah siguro dahil nanaman kay coach josh. siguro napagalitan ulit to, ganon kasi siya pag pinapagalitan siya .
dali dali ako nag bihis at pinahanda yung big bike ko kay kuya robert. driver nila mama.
"ma'am okay napo, nalinisan ko na din po yan" sabi nito at nag thumbs up pa.
"thankyou kuya" di nako nag helmet dahil malapit lang nman dito yung pupuntahan ko.
pagkadating ko sa park ay agad ko ito nakita na nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno.
"hi" bati ko dito, hahalikan ko sana ito pero bigla ito umiwas.
"upo ka" sabi nito at seryoso ang tingin sakin.
"okay ka lang?, napagalitan ka nanaman ba ni coach?" tanong ko dito at hinawakan ng kamay.
"hindi" sabay bawi ng kamay nito.
"may problema ba?"
"maghiwalay na tayo" seryoso pa din itong nakatingin sakin.