Fon's
andito ako ngayon sa tabi ni ali at mahimbing ang tulog. nakatulog siya kanina kaya hinayaan na muna namin, 6:30 na ng gabi at nakaalis na din mga kaibigan ko. medyo nainis ako kanina kay dos dahil ayaw pa niya umalis buti nalang pinilit siya ni gail, thanks to gail.
iniwanan ko muna si ali sa kanyang kwarto para lumabas. gusto ko siya bilhan ng bulaklak at ng pagkain. wala lang gusto ko lang siya bigyan dahil masaya ako kasi hindi na niya ako pinaalis.
andito na ako ngayon sa flower shop para bumili ng isang boquet na bulaklak at tulips ang napili ko, gusto kasi ni ali ng tulips kaya yon ang nabili ko. katapos ko dito sa flower shop ay nag drive thru ako sa jollibee isa ito sa mga fave ni ali, bumili naman ako ng isang bucket na chicken, fries and sundae. mag 8 na ng matapos ako sa pamimili ko at andito nako sa loob ng village.
kita ko naman si tito sa labas na halatang may hinihintay ito. pagkapark ng kotse ko ay agad na ako bumaba at kinuha ang mga binili ko.
"oh hey fon, kanina ka oa namin hinahanap. especially ali she's always asking me kung san ka daw nag punta" bungad agad ni tito pagkababa ko ng sasakyan.
"sorry tito di nako nakapag paalam sa inyo, btw tito let's have a dinner na po bumili po ako ng food" paag aalok ko dito ng makapasok kami ng bahay.
"we're already done except my daughter" umupo ito sa couch sabay hawak sa kanyang laptop.
"okay po tito, sa taas nalang po kami kakain" tumango lang ito kaya dali dali ako umakyat sa taas.
bago ako pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko at ang bulaklak na ibibigay ko para kay ali. sana magustuhan niya ito.
pagpasok ko ay nakita ko ito na nakahiga at busy sa kanyang cellphone. di niya napansin ang aking pagpasok..
"hey" lumapit ako sa kanya. agad naman ito tumingin sakin.
"for you" inabot ko sa kanya ang binili konv bulaklak. agad naman ito umupo at kinuha ang bulaklak na bigay ko.
"para san to?" tanong nito pero this time nakangiti na ito sa akin kaya tumabi nako sa kanya.
"peace offering? I'm really sorry ali sa mga ginawa ko lalo na sa pag iwan sayo ng walang pasabe" hinawakan ko ang isang kamay nito.
"hmm okay, masyado lang ako nasaktan sa ginawa kasi kahit papaano may pinagsamahan pa din naman tayo lalo na sobrang close natin sa isa't isa kaya sobra ako nasaktan nung nalaman ko na hindi ka na uuwi" kita ko naman sa kanya ang pamumula ng kanyang mga mata at mukhang tutulo na ang kanyang luha.
"sorry baby" niyakap ko ito ng mahigpit siya naman ang pagbuhos ng luha ni ali.
"don't cry na" pianunasan ko ang kanyang luha gamit ang thumb ko. tumango naman ito.
"bumili din ako ng favorite food mo" pinakita ko ang binili kong food. ngumiti naman ito.
"ang dami naman" natawa ito habang pinupunasan ang kanyang luha.
"okay na yan, sakto di ka pa kumakain diba"
"yeah, lika na nga kain na tayo" tumayo ito sabay hila sakin.
umupo kami sa couch at inayos ang pagkain, napagdesisyonan din namin na manood ng movie habang kumakain. tangled ang pinapanood namin ngayon, favorite disney movie daw kasi niya.
11pm na kami natapos sa panood at nag aya na si ali na matulog. dalawang movie ba naman ang tinapos malamang pagod mata neto.
"fon tatabi ka ba sakin?" tanong nito. andito ako sa may couch at nililigpit ang pinagkainan namin.