Malapit na kaming makababa ng mapalingon ang kasama niyang matanda saakin. Kamukha ito ni Klein. Siya na siguro ang daddy nito. Mababanaag sa mga mata niya ang paghanga habang nakatingin saakin.
"Oh! What a lovely lady we have here. She must be your daughter that you were talking about."
Napatayo pa siya habang sinasabi 'yon kaya napalingon tuloy si Daddy sa kinaroroonan ko.
"Yes kumpadre." Sagot agad ni daddy.
Iminwestra nito ang kamay na pumunta ako sa tabi niya kaya binilisan ko ang lakad ko. Nagbigay galang naman si Nay Rosie sa kanila bago umalis.
"This is my daughter Chanel Amery." Pagpapakilala ni Daddy saakin.
"Hello po. Good Evening Tito-- ahm."
"Call me Tito Zach hija. And this is my son, Klein." Nakangiti niyang sabi habang isang tapik sa balikat naman ang ibinigay niya sa anak niya. Alam na kaya nilang matagal na kaming magkakilala?
Isang tango lang ang ibinigay niya saakin bago ibinalik ulit ang tingin sa cellphone nito. Hindi man lang ngumiti, kahit pa kunwari lang. Ipinapahalata talagang napilitan lang sumama dito.
Nagyaya na si Daddy sa komedor. Sa lapag ng parihabang lamesa namin ay nakahanda ang iba't ibang klase ng pagkain. Parang may fiesta sa dami ng handa.
Umupo kami ni daddy sa kanan habang umupo naman ang mag ama sa kaliwa kaharap namin.
Patuloy lang na nagku kwentuhan si Daddy at si Tito Zach habang kami naman ni Klein ay walang imik.
Marami silang pinag uusapan na hindi ko maunawaan. Ngayon ko lang nalaman na may ari pala si daddy at tito Zach ng pinaka malaking kompanya ng langis sa Asia at gusto nilang mag expand. And they are aiming the European country.
Klein and I will only marry because of business. And I heard that after we get married, Klein will take over the company. He will be appointed as the new Ceo because daddy and tito Zach wants to retire already.
Tinignan ko si Klein na kaharap ko sa hapag. Seryoso lang siyang kumakain, sumasagot lang kapag tinatanong. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya, ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tignan. Wala sa sariling napangiti ako sa kanya ng tumingin siya saakin and he smiled back.
Shit! Did he just smiled at me? Yumuko ako at kumurap kurap baka kasi namamalikmata lang ako pero nang tignan ko ulit siya, balik na naman sa pagiging pormal ang mukha nito. Medyo nalungkot ako, siguro nga namalikmata lang ako. Asa naman kasing ngingitian niya ako.
Tumayo na sila senyales na tapos na silang kumain, ni hindi pa nga ako nangangalahati sa kinakain ko. Uminom na lang ako ng tubig tsaka nagpunas ng bibig.
Sumunod ako sa kanila, pumunta si Tito Zach at Daddy sa taas at may pag uusapan pa raw sila kaya naiwan kami ni Klein sa sala. Umupo siya sa mahabang sofa, tumabi ako sa sa kanya pero doon ako sa pinaka gilid umupo.
Ang akward kaya naman binuksan ko 'yong tv, inilagay ko sa channel na may larong soccer. Alam kong mahilig siya sa larong 'yan. Halos lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko na. Papasa na nga akong stalker dahil sa dami ng alam ko.
"'Diba paborito mo 'yan?" Saad ko ng nagtatanong ang mga matang tumingin siya saakin.
"How did you know?"
"W-well, I---I did a little research about you." Kinakabahang sagot ko.
Hindi ko sinabing halos lahat ay alam ko na tungkol sa kanya dahil baka macreepyhan siya saakin.
"Really, huh?" Nakangising sagot nito bago itinutok ang mga mata sa tv.
Hindi naman ako mahilig sa larong 'yan kaya bubusugin ko nalang ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
Aktuelle LiteraturSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...