Maaga akong gumising ngayon dahil gusto kong maabutan si daddy bago siya pumasok ng opisina. May ipapakiusap kasi ako sa kanya at sana pumayag siya.
Mabilis akong pumunta sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Hindi na ako nag abalang magsuklay dahil nandito lang naman ako sa bahay. Bahala nang magmukhang mangkukulam, wala namang ibang makaka kita. Mga katulong at mga tauhan lang naman ni dad ang nandito, so wapakels ako sa itsura ko. Atleast naghilamos at nagtoothbrush ako, makuntento na sila doon. Kung may problema pa sila sa ayos ko pakamatay na sila wala akong paki alam.
Ng binuksan ko ang pintuan ko, bumungad sa harapan ko ang tatlong bodyguards ko. Yumuko sila bilang paggalang sa diyosang katulad ko bago sila sabay sabay na bumati ng 'Magandang umaga, Senyorita'. Pero dahil ako si Chanel Amery Martini, ang bukod tanging pinagpala sa kagandahan at katalinuhan, hindi ko sila pinansin. Baka hindi pa man nagsisimula ang araw ko e masira na. At bakit ba kapag lumalabas ako ng kwarto ko, sila na lang palagi ang nabubungaran ko? Makapag reklamo nga kay daddy mamaya.
Sumunod sila saakin ng lagpasan ko sila. Nagtuloy tuloy ako sa komedor pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko kong sino ang kaharap ni daddy sa hapag. Nagsisi tuloy ako na hindi nakapag suklay man lamang. Mukha pa naman akong bruhilda sa ayos ko. Mabuti nalang at nakapaghilamos pa ako at nakapag toothbrush kanina.
I greeted 'Good morning" in no particular para makuha ko ang atensiyon nila. Nagtagumpay naman ako dahil sabay silang lumingon saakin. Si Dad, habang seryosong nakatingin saakin pero biglang napakunot noo. At si Klein, na may naglalarong ngiti sa mga labi habang nakatingin saakin. What is he even doing here? Akala ko ba galit siya saakin?
"You go out in your room without even fixing yourself? Ganyan ba ang tamang gawi ng isang dalagang babae? You didn't even brush your hair. That is so unlady like Chanel!" galit na sita ni Daddy saakin.
Napahilot pa siya sa sentido niya.
Napangiwi nalang ako sabay upo sa tabi nito."At bakit ang aga mong nagising? This is so unusual, akala ko aabutin ka pa ng tanghalian sa higaan mo. What made you wake up this early?"
Sa halip na sagutin si dad, kumuha ako ng hotdog gamit lang ang kanan kong kamay at kinagatan hanggang sa maubos ko.
Napanganga si Daddy at Klein dahil sa ginawa ko. O! Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nagkakamay na kumain? Hindi naman krimen ang kumain ng nakakamay diba?
"CHANEL!!!" sigaw ni Daddy nang mahimas masan.
Capslock na yan kasi nga galit na talaga siya. Ng tignan ko si Klein nakangiwi siya na parang nandidiri. Wow ha, parang ngayon lang nakakita ng babaeng nagkakamay kumain.
I'm sure nagkakamay rin kumain si Trinity, 'his bestfriend' kasi nga mahirap lang 'yon. Kung makatingin naman 'to, tusukin ko mata niya gamit ang mahahaba kong kuko e. Inirapan ko nga, bahala siya sa buhay niya.
"Inagahan ko talaga ang gising Dad kasi nga may hihilingin sana akong favor sayo."
Kukuha nanaman sana ako ng hotdog ng tampalin ni Daddy ang kamay ko.
"Where is your manners lady? Hindi ka man lang nahiya kay Klein? He will be your future husband for goodness sake. Ano nalang ang iisipin niya? Na hindi ko tinuruan ng good etiquette ang mapapangasawa niya?"
Napaismid ako sabay tingin kay Klein na ngayon ay nakangiwi. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung sabihin ko kaya na wala naman siyang planong pakasalan ako?
Pero 'wag muna ngayon at baka mas lalo siyang mabadtrip saakin. Kailangan ko munang maisagawa ang plano ko bago ang lahat.
"Dad naman, I have manners pero mas mabuti ng ipakita ko ang totoong ako habang maaga pa. If Klein really wants to marry me, then he should accept all my flaws, be it good or bad. Am I right, Klein?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
General FictionSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...