Chapter Nine

1 0 0
                                    

"Bes, pansinin mo naman ako. Baka hindi mo napapansin, kanina pa ako nagpapa pansin." Nagmamakaawang sabi ng baklita. Nakanguso pa siya na akala mo naman ikinaganda niya. Kung titingin lang siya sa salamin, baka magsisigaw pa siya dahil sa nakaririmarim na itsura niya.

"Sinabing huwag mo akong kinakausap at nanggigigil pa ako sa'yong bakla ka." Nakairap na sabi ko. Hinawi ko ang buhok kong tumakip sa mata ko at binilisan ang paglalakad ko.

Hapon na at pauwi na kami, katatapos lang ng huling subject namin. Kaninang umaga pa siya nangungulit at malapit na akong mainis, konting konti na lang at tototohanin ko na ang banta kong sasabunutan ko siya hanggang malagas ang lahat ng buhok niya.

"E kasi naman besy, sorry na kasi, nakakatakot kasi ang itsura ni papa Klein kahapon. Parang gusto niya akong patayin sa klase ng pagkakatingin niya." Pangangatwiran pa niya.

Umagapay siya sa paglalakad saakin, pero hindi ko siya nilingon. Deretso lang ang lakad ko, pero mula sa peripheral vision ko, nakikita kong lumilingon lahat ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Iyong iba kusa silang gumigilid para bigyan kami ng daan.

"Bes."

Kinalabit niya ako pero tinignan ko lang siya ng masama. Hindi lang naman kasi ang ginawa niya kagabi ang ipinagsisintir ko, nagsinungaling si Klein saakin, sinabi niyang susunduin niya ako pero hindi niya tinupad.

Maaga pa naman akong nagising at nag ayos dahil alam kong susunduin niya ako at ayaw ko siyang paghintayin tulad ng ginawa ko noon, pero hindi siya dumating. Inabot lang ng bodyguard ko ang notebook ko na kinuha ni Klein kahapon. Nang tanungin ko kong sino ang nagbigay niyon ay sinabi niyang iyong driver daw nila.

Tinanong ko pa kong wala na bang ibang sinabi pero wala na daw, basta ibinigay lang daw 'yong notebook ko at umalis na rin kaagad.

Ang saglit na kasiyahang naramdaman ko ay dagling napalitan ng galit. Dapat kasi hindi ako naniwalang susunduin niya ako. Dapat hindi ako naniwala sa mga pinag sasabi niya kahapon. I should have known that he is not serious when he said that he wants us to start a new. Pero hindi ako naniwala sa instinct ko, umasa pa rin ako kaya eto nasasaktan ako ngayon. I am hurting deep inside but I'd die first before I admit it.

"Bes, sino 'yang mga gwapo na 'yan? Bagong bodyguard mo?" Ani Trexie.

Nilingon ko ang tinitignan niya, nakatayo ang tatlong lalaki sa gilid ng sasakyan namin. Naka puting t-shirt sila at faded maong jeans with matching black rubber shoes. Kumunot ang noo ko, sa pagkaka alala ko hindi naman ako nagpalit ng bodyguards.

Malapit na kami sa kinaroroonan nila ng sabay sabay silang yumuko.

"Magandang hapon, senyorita," sabay sabay nilang sabi. My brows creased, they're voice seems familiar but I can't recognize their faces.

"Who the hell are you? Where is my bodyguards?" ani ko. Naguguluhan silang nagkatinginan na tatlo.

"Kami po ang bodyguards niyo senyorita," sagot ng nasa may bandang kanan. Tumaas ang kilay ko dahil sa isinagot nila. Sa pagkaka alala ko hindi naman ganito ang itsura ng mga bodyguards ko. Ang mga nasa harapan ko ngayon ay sobrang linis tignan, ni wala kang makikitang pores o bigote sa kinis ng mukha nila. At ang ayos nila, parang mamamasyal lang.

I studied their faces, the one on the left have a gray eyes that matches his fair skin complexion. His firm muscles is very visible because of his fitted t- shirt. The one behind him has a dashing blue eyes and has a white skin complexion. The first thing that you can notice on him is his pointed nose that matches his sharp jawline. And lastly, my eyes landed on the one next to him, and my mouth fell when I stared at his emerald green eyes, how come I didn't notice this before? He averted his gaze when he saw my reaction, and his silver earings welcomed my sight. His earings gives him the identity of being a badboy.

The Ceo's SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon