Chapter Ten

1 0 0
                                    

Mabilis akong pumasok sa sasakyan, sumunod naman ang mga bodyguards ko. Hindi ako nag abalang lumingon kahit hanggang noong makauwi kami sa bahay. Hindi ko na rin hinintay na ipagbukas nila ako ng sasakyan dahil tuloy tuloy na akong pumasok sa kwarto ko.

Basta ko na lang din itinapon ang bag ko sa kong saan bago humiga sa kama ng nakadipa ang mga kamay sa magkabilang gilid. Malakas akong napabuntunghinga habang nagrereplay sa balintataw ko ang nakita kanina.

Kaya pala hindi niya ako nasundo dahil mas inuna nanaman pala niya ang babaeng iyon. Pero ano pa ba ang bago, palagi naman niya itong inuuna kaya dapat sa una pa lang hindi na dapat ako umasa.

Matagal pa siyang nagmuni muni bago niya naisipang magpalit ng damit pambahay, isang cotton short shorts at black and white fitted sleeveless split top. Pagkatapos makapagbihis, chineck ko ang cellphone kong ini off ko kanina. Napakunot ang noo ko ng makitang naka isandaang missed calls si Klein, like really?

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nag iisang text message nito,"I am coming over to your house. Please let me explain."

No!

Dali dali akong tumayo at inilock ang pintuan bago bumalik sa higaan ko. Napaigtad ako ng may kumatok, dali dali akong nahiga at nagtalukbong ng kumot para magtulog tulugan.

"Chanel? Hija?"

Inalis ko ang ang pagkakatalukbong ng kumot sa ulo ko ng marinig ko kong sino iyong kumakatok. Nakahinga ako ng maluwag
Si nay Rosie lang pala, akala ko naman si Klein na iyon.

"Bakit Nay?" Medyo napalakas na sagot ko.

Bumaba ako sa higaan at naglakad papunta sa pintuan, bubuksan ko na sana ito pero hindi ko itinuloy dahil sa mga sumunod niyang sinabi,"Hija, nandito si Klein, gusto ka daw kausapin. Iiwan ko na siya dito. Mag-usap kayo ng maayos. Hindi pwedeng may hindi kayo pagkakaunawaan bago matapos ang gabing ito. Masama iyon lalo na at malapit na kayong ikasal." Maalumanay niyang saad bago ko narinig ang mga yabag ng tsinelas niya papalayo.

"Chanel?" Ang paos na boses ni Klein ang sumunod kong narinig.

Hindi ako sumagot. Pinagsalikop ko ang mga braso ko at napairap kahit hindi naman niya makikita.

Maya maya'y narinig kong parang sumandig siya sa may pintuan. Dinig na dinig ko ang malalalim niyang paghinga sa labas ng pintuan ko.

"Chanel, please?" Tunog nagmamakaawa ang boses na saad nito pero hindi pa rin ako sumagot.

"I know, you are listening."

Wow, paano niya nalaman?

"Let me explain." Parang maiiyak na niyang sabi. Anong kasunod nito? Hahagulgol na ba siya?

"Please?"

Napahilot ako sa noo ko, sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito. Kanina pa siya salita ng salita. Wala naman siyang paliwanag na sinasabi. Kanina ko pa gustong marinig ang paliwanag niya, kong ano ano pang pambibitin ang ginagawa niya. Kung nasa harapan ko lang talaga ito, baka kanina ko pa nasapak sa sobrang gigil ko.

"Ano ba? Puro ka, let me explain. Hindi ka naman nag eexplain." Hindi ko na napigilang bulyaw.

"Chanel?" Naniniguradong tanong niya.

"Oo! Ako ito. Sino ba ang alam mong may kwarto nito? Baka naman si Daddy ang gusto mong pag paliwanagan? Hindi dito ang kwarto niya, doon pa sa dulo." Sarkastiko kong sagot.

I heard him cleared his throat."Open the door first." He ordered.

I sneered at him.

"Sino ka para utusan ako?"

The Ceo's SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon