Hindi ko na talaga kaya. Ayaw akong dalawin ng antok dahil dinidistract ako ng pagtunog ng tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako kaya napilitan na akong bumangon. Balak kong uminom ng gatas para makatulog ako at titingin na rin ako ng pwedeng makain.
Tulog na siguro silang lahat dahil alas dose na ng madaling araw.
Dahan dahan akong bumaba para hindi magising itong kasama ko. Ginawa nito ang sinabi ko kanina. Hindi nga lang unan ang inilagay sa gitna namin kundi iyong mga maliliit na cusion na para sa sofa.
Nang sulyapan ko si Trinity, nakita kong nasa pinaka gilid na siya ng kama at isang galaw na lang, mahuhulog na siya. Nakauklo siya at parang nilalamig. Naka tudo kasi ang aircon kaya malamig talaga dito sa loob ng kwarto.
Iisa lang ang aming kumot at kinuha ko pa kanina dahil ipinulupot ko sa katawan ko sa sobrang inis ko sa kanya.
Mahina kong kinastigo ang aking sarili ng makaramdam ako ng konsensiya sa ayos niya. Kahit labag sa loob ko, kinuha ko ang comforter at kinumutan siya. Inusog ko na rin siya sa gitna kahit medyo nahirapan ako. Hindi ko akalaing ginagawa ko ito ngayon sa kanya. Ni hindi man lang siya nagising sa ginawa ko. Hindi ko akalaing tulog mantika rin pala ang babaeng 'to.
Nang makuntento ako sa ayos niya, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Dim ang ilaw sa labas kaya kahit papaano nakikita ko pa rin ang dinadaanan ko. Sa kusina ko na lang binuksan ang ilaw dahil balak kong doon na rin kumain.
Kumuha ako ng fresh milk sa ref at ipinainit ng kaunti sa microwave. Kumuha rin ako ng isang apple at basta na lang kinagatan kahit hindi ko pa hinuhugasan. Sigurado naman akong hinugasan nila ito bago inilagay dito sa fruit basket.
Nakatayo ako at sarap na sarap sa pagkain ng may biglang magsalita sa likod ko. Mabuti na lang at hindi ako nabilaukan sa sobrang gulat ko.
Bwisit talaga.
"What are you doing?" Tanong ng isang boses lalake.
It was Klein. Who else? Wala naman dito ang daddy nito dahil sa pagkakaalam ko nasa isang business trip ito.
Nang humarap ako sa kanya una kong nakita ang nakabukas na apat na butones ng blue long sleeves nito. Hindi ko tuloy napigilang mapasulyap sa matigas na dibdib nito na halatang alaga ng gym. Sa pang ibaba nito ay isang hapit na faded maong jeans at nakapaa lang siya.
Bakit kahit wala sa ayos ang porma nito ay nakaka akit pa rin siyang tingnan?
Magulo ang buhok at mapungay na rin ang mga mata nito. Halatang inaantok na.
"Malamang kumakain, hindi mo ba nakikita?" Mabuti na lang at napilit kong maging tunog sarkastiko ang boses ko.
Mamaya niyan baka mahalata niyang pinagnanasaan ko siya na totoo naman.
Umiwas na rin ako ng tingin sa kanya at minadaling inubos ang apple ko. Para tuloy akong mauubusan ng pagkain sa bilis ng pagkagat at pagnguya ko.
"What I mean is, may itinabing pagkain si manang Letty para sa'yo. Hindi ka kumain ng dinner kanina kasi basta ka na lang umalis ng walang paalam." Kalmadong paliwanag nito.
Hindi man lang ba siya nahihiya na nakikita kong napapalunok siya habang ngumunguya ako?
Marami pa namang apple diyan kong gusto niya ring kumain.
At nag effort lang rin siya na ipagtabi ako ng pagkain, hindi pa nilubos lubos. Nagpaluto na rin sana siya ng ibang putahe. Sinabi ko na ngang ayaw ko ng gulay e.
"Sana hindi ka na nag abala kasi hindi ko naman kakainin iyan. Sinabi ko na ngang ayaw ko ng gulay 'diba?" Maaskad kong sagot.
Tumiim ang bagang nito sa isinagot ko. Nasagad ko nanaman ba agad ang pasensiya nito?
"Stop being a spoiled brat, Chanel! Hindi lahat ng kapritso mo pagbibigyan ko. You should learn how to value things, especially foods. Madami ang mga taong nagkakandahirap na magtrabaho para lang makakain ng tatlong beses isang araw. Marami ang mga taong nagugutom dahil walang pambili ng pagkain tapos ikaw mag aaksaya lang ng pagkain? " Nagtitimping saad nito saakin.
Biglang nagpanting ang tainga ko sa narinig. At anong akala niya, hindi ko alam na maraming mahihirap na hindi nakakakain araw-araw? Bakit kaya hindi niya libutin ang buong mundo at bigyan ng pera ang mga taong walang pambili ng pagkain, hindi iyong gagamitin niya pa itong rason dahil ayaw kong kumain ng gulay?
Kahit kailan talaga, pinapainit nito ang ulo ko.
"Hindi ako nag aaksaya ng pagkain. Hindi ko naman sinabing tirhan niyo ako ng pagkain. Tapos ngayon na hindi ko kakainin, ang dami dami mong sinasabi? Edi ipamigay mo sa mga nagugutom 'yan, problema ba 'yon?"
"Damn! Shit!"
Napaurong ako ng magmura ito ng malutong. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa.
Mabuti na lang at tapos na akong kumain. Tatakbo talaga ako kapag naisipan niyang pagbuhatan ako ng kamay.
Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko ng matiim niya akong tinignan habang umiigting ang panga nito. Kumapit agad ako ng mahigpit sa upuan bilang suporta.
Sunod sunod ang paglunok ko ng dahan dahan itong naglakad patungo sa kinaroroonan ko habang hindi inaalis ang tingin saakin. Gusto kong tumakbo pero ayaw makisama ng katawan ko.
Napahugot ako ng malalim na hininga ng tuluyan na siyang makalapit saakin. Naamoy ko nanaman tuloy ang pabango niyang kinaaadikan ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang pumungay ang mga mata nito. Ang bilis naman yata niyang magpalit ng emosiyon. Kanina galit tapos ngayon kong makatingin parang gusto na akong kainin, pero sa masarap na paraan nga lang.
"Tell me Chanel, what will I do to you to obey me?" He uttered in a husky voice that makes me shiver.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may mga nagrarambulan sa loob ng tiyan ko. Wrong timing naman. Natatae pa 'ata ako.
"T-teka lang naman Klein. Lumayo ka nga saakin at hindi na ako makahinga." Pagrereklamo ko ng tuluyan niya akong maisandig sa pader. Sigurado akong pader dahil malamig at matigas ito.
Nandoon lang ako sa upuan nakakapit kanina tapos nandito na ako at nakasandal sa pader? Bakit ni hindi ko man lang namalayan?
"You really never fail to make me pissed every damn time we are having a conversation. Do we need to do something about that?"
At tuluyan na nga nitong nailapit ang sarili saakin.
Bigla na lang uminit ang pakiramdam ko ng lumapat ang matigas na dibdib nito sa dibdib ko. Napakainit ng ibinubuga ng katawan nito na feeling ko, anytime ay bigla na lang akong lalagnatin. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso nito na nakikisabay sa lakas ng tibok ng puso ko. Gusto ko pa sanang namnamin ang init ng katawan nito, pero biglang sumakit ang tiyan ko. Nalukot ang mukha ko. Maya maya pa'y pinagpawisan na ako ng malapot.
Parang may hangin na gustong lumabas sa tiyan ko at kahit labag sa loob ko, malakas ko siyang itinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig.
"The fuck, Chanel. Why did you push me?" Galit na tanong nito habang tumatayo.
Ngumiwi ako.
"Pasensiyana. Natatae na kasi ako," sagot ko at walang lingon likod na tumakbo paalis.
Nadinig ko pa ang malutong na "What the hell" na sagot nito bago ako tuluyang makalayo doon.
Kahit magmura pa siya ng isang milyon, wala na akong pakialam. Aalalahanin ko pa ba ang galit niya kong may gusto ng lumabas saakin?

BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
Fiksi UmumSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...