Nag iwas ako ng tingin ng bumusina ang bodyguard ko, narito na pala kami sa harap ng gate namin. Bumukas ang gate at marahang pumasok ang sasakyan ni Klein kasunod ang isa pang sasakyan sa likod.
Nang huminto ang sasakyan sa may garahe namin, ako na ang kusang nagbukas ng pintuan at dali daling lumabas. Hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ng pintuan ng bodyguard ko na siyang palagi nilang ginagawa.
Hindi ko na rin tinignan kong nakasunod ba si Klein sa likod ko. Nahihiya akong humarap sa kanya. Ngayon pa lang nagsisink sa utak ko ang ginawa namin kanina, wala na 'ata akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Ano kayang iniisip niya tungkol saakin? Baka nadisappoint siya dahil hindi ako marunong humalik, pero gusto niya daw akong halikan. Kikiligin na ba ako?
Papasok na ako sa bahay ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa, talagang hinihintay niya nga ako. Napakunot ang noo niya ng makita niya akong naglalakad patungo sa kanya.
"Good evening daddy, maaga ka ata ngayon?" Tanong ko sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi niya na miminsan ko lang ginagawa.
"Saan ka galing Chanel?" Mariin niyang tanong. "Why did you run away from your bodyguards?" Tinignan niya ako ng masama, kong iba lang siguro ang makakakita sa reaksiyon ni daddy siguradong matatakot, pero dahil ako lang ito, ang dyosang anak niya kaya hinding hindi ako matatakot sa kanya.
"Pumunta kami ng mall dad." Nakangiti kong saad. There is no need for me to lie. Alam kong nakapag report na ang mga unggoy na bodyguards ko kay daddy.
"Who is with you? Hindi porket pinayagan kitang mag-aral sa labas e ganito na ang gagawin mo. Alam mo bang pinag-alala mo ako? Don't you ever do that again or else hinding hindi ka na makakalabas ng bahay natin." Mariing pagbabanta niya.
He even pinch the bridge of his nose because of frustrations.
Medyo nakonsensiya naman ako dahil talagang nag aalala nga siya kong pagbabasehan ang reaksiyon niya at mga sinabi niya.
Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at humilig sa balikat niya.
"I went there with my friend dad. I'm sorry for making you worry but I won't promise that I will not make you worry again." Pilya kong saad na nagpakunot ng noo ni dad. Humagikgik naman ako dahil sa reaksiyon ni niya.
"Don't you dare do that again lady or else----,"
" Sshh...dad, nagbibiro lang ako." Pigil ko sa anumang sasabihin na naman niya. "I want to change now dad, I feel sticky," pagpapaalam ko sa kanya bago pa humaba ang usapan namin.
Hindi siya umimik, tumuon ang mga mata niya sa pintuan at saka ngumiti ng pagkalawak lawak. I rolled my eyes because of his reaction.
" Hijo." Pag aacknowledge niya sa presensiya ni Klein. "It's been a long time. Dinadalaw mo ba ang dalaga ko?" Nakangiti niyang saad. Tumaas ang kilay ko. Narinig kong humakbang si Klein patungo saamin.
"Actually tito magkasama po kami, hinatid ko po siya," magalang naman nitong sagot.
Tumingin si dad saakin, "Oh, kasama mo naman pala siya Chanel, bakit hindi mo sinabi?"
"I thought your bodyguards reported it already, and I don't think it matters dad," walang gana kong sagot.
"Ofcourse it matters. He is your fiancee. It's a good thing that Klein is here. Hindi talaga ako nagkamali na siya ang pinili ko para pakasalan mo." Masaya niyang sabi." I've always known na hinding hindi ka niya pababayaan, right Klein?"
"Of course tito. She is your only daughter so there's is no way that I will keep her in any harm."
Nakangiti namang tumango tango si daddy, "Glad to hear that hijo. Anyway why don't you join us for dinner? It's almost dinner time, Chanel just need to change."
BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
Fiksi UmumSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...