Chapter Thirteen

1 0 0
                                    

"E-excuse m-me." Halos hindi lumabas ang mga salita na sambit ko.

Tinakpan ko ang bibig ko at tumayo. Hindi ko na sila hinintay na magtanong. Mabilis akong umalis sa dining area at patakbong umakyat sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Klein. Dumiretso agad ako sa sink. Namilipit sa sakit ang tiyan ko ng walang mailabas ang sikmura ko.

Humigpit ang hawak ko sa magkabilang gilid ng sink ng maramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko. Ang sakit na ng tiyan ko at feeling ko nadehydrate na ang mga lamang loob ko. Tubig na lang 'yong lumalabas sa bibig ko ngayon dahil isang subo lang naman iyong kinain ko kanina.

Mangiyak ngiyak ako habang walang tigil ang paglabas ng mga mapapait na tubig sa bibig ko. First year high school pa lang ako noong huli akong magsuka ng ganito katindi.

Sa nanginginig na mga kamay, pinunasan ko ang mga butil ng pawis na namuo sa nuo ko. Ng sa tingin ko wala ng mailabas ang sikmura ko, nag toothbrush ako dahil sobrang pait ng nalalasahan ko.

Pagkatapos no'n, dahan dahan akong lumabas sa banyo at naupo sa gilid ng kama ni Klein. Hinang hina talaga ang pakiramdam ko.

Maya maya pa'y nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko kaya marahas ko itong pinunasan.

I am a strong woman. Hindi ako dapat umiiyak.

Nang medyo bumuti na ang pakiramdam ko naisipan kong maligo muna bago matulog. Parang napagkit kasi sa damit ko ang amoy ng isinuka ko kanina.

Tumunog ang tiyan ko, pero hindi ko na iyon ininda. Wala rin naman akong kakainin dahil ayaw na mang magpaluto ni Klein.

Kukuha na sana ako ng damit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Mabilis ko itong dinampot ng makitang si Trexie ang tumatawag.

"Chan." Masayang bungad niya saakin pagkatapos kong sagutin.

"A-ano?" tanong ko sa mahinang boses.

Pinigilan kong gumaralgal ang boses ko pero malakas talaga ang pakiramdam niya dahil nalaman agad nitong may mali saakin.

"Bakit parang matamlay ka? May sakit ka ba? Jusko, nahawaan ka na ba agad ng covid?" Natatarantang tanong nito.

Kahit nanghihina ako, hindi ko parin napigilang paikutin ang mga mata ko.

"Chanel! Ano? Sumagot ka!"

"Nagsuka ako."

"Ano? Anong nagsuka ka? Kumain ka nanaman ba ng bawal sa'yo?" Nag aalalang tanong nito.

Natigilan ako sa tanong niya. Kahit ilang buwan palang na magkakilala kami ni Trexie, kilalang kilala na niya ako dahil wala akong inililihim sakanya. At alam na alam niya ang mga bawal saakin.

"Chanel, sumagot kang gaga ka. Alam mo na ngang bawal sa'yo, kinain mo pa talaga? Patay gutom ka ba?"

"Wala akong choice, okay?"

"At kailan ka pa nawalan ng choice? Alam naman ni tito na bawal sa'yo ang gulay, bakit hinayaan niyang kumain ka?"

"Hindi naman alam ni dad. Wala ako sa bahay."

"Ano? At nasaan ka, aber? Kailan ka pa pinayagan ni Tito na lumabas sa gabi? Alam ba ni Tito o tumakas ka?" Nagdududang tanong nito.

Hindi ako sumagot. Umaamba nanaman kasing tumulo ang mga luha ko.

"Chanel naman, alam mo bang lockdown sa buong lalawigan natin? Bakit ka lumabas? Nakakatakot pa naman ang lumalaganap na sakit ngayon. Andami na daw namatay sa China. Tapos ikaw, naglalagalag ka?"

The Ceo's SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon