Chapter Twelve

2 0 0
                                    

Nakakainip.
Kanina pa ako inip na inip.
Nagsawa na ako kaka fb at instagram. Nabwisit na ako kakalaro ng worm zone pero hanggang ngayon, hindi pa pumapasok si Klein dito sa kwarto niya. Hindi man lang niya ako magawang silipin kong buhay pa ba ako at humihinga.
Nang tignan ko ang orasan sa white Givenchy na relo ko, mag-aalas siyete na pala ng gabi. Malapit na naman ang dinner, pero ni hindi pa nagpapakita saakin ang kumag.
At nasaan ba sila ni Trinity? Kanina pa silang alas diyes ng umaga na magkasama, hindi pa ba sila nauumay sa mukha ng isa't isa?
Dahil bwisit na ako, minabuti kong lumabas na muna ng kwarto. Pupunta ako sa labas para magpahangin. Naalala ko iyong itsura ng garden nila na nadaanan namin kagabi. Napakarami nilang tanim na bulaklak. And I think, I even saw my favorite flower.
Hindi halata sa itsura ko pero mahilig talaga ako sa mga bulaklak. Iyon nga lang, nakaka inis kasi, kapag ako iyong nagtatanim; wala pang isang araw, natutuyot na 'yong mga halaman na itinatanim ko. Kaya ngayon, si Nay Rosie ang nangangalaga sa mga tanim sa garden namin. Hindi rin ako maaasahan sa pagdidilig dahil kahit gustuhin ko man, hindi rin pwede dahil namamatay din ang mga halaman na dinidiligan ko.
"Ma'am, saan po kayo pupunta? Kakain na po ng dinner."
Napalingon ako sa nagsalita. Siya din iyong kasambahay na naghatid saakin  sa dining area kanina.
"Diyan lang sa labas. Magpapahangin lang."
"Ay, tamang tama. Pwede po bang pakisabi na rin kay sir Klein na kakain na ng dinner? Nasa garden po sila ni Maam Trinity."
Aba't, inuutusan niya ba ako? Bakit hindi ako na inform na utusan na pala ako ngayon?
Tinaasan ko siya ng kilay. Nagkamot naman siya ng ulo. Bakit palagi na lang siyang nagkakamot ng ulo kapag kausap ako? May kuto ba siya?
Napangiwi ako. How disgusting.
"Pasensiya na po ma'am. Ako na lang po ang magsasabi." Alanganin ang ngiting sagot niya.
Aba'y dapat lang. Isa akong señorita tapos uutusan lang ng isang kasambahay? Baka gusto niyang ipatanggal ko siya sa trabaho? Pero naalala ko, hindi nga pala sumusunod si Klein sa mga utos ko kaya huwag na lang pala.
Napahalukipkip ako ng makalabas ako. Oktubre na kasi kaya mediyo malamig na ang simoy ng hangin.
Binaybay ko ang daan patungo sa garden. Ang mga maliliit na ilaw na may iba't ibang kulay na nakalagay sa mga punong nadadaanan ko ang nagsisilbing ilaw para makita ko ang nilalakaran ko.
Napangiti ako ng malawak ng bumungad saakin ang mga iba't ibang klase ng bulaklak na nakatanim dito. Ang galing naman ng nangngalaga sa mga ito, buhay na buhay kasi ang mga tanim nila at parang ni hindi man lang nalalanta ang mga bulaklak.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang paborito kong bulaklak. Sabi ko na nga ba at may tanim silang amaryllis dito e. Nilapitan ko ito at inamoy. Parang nawala ang lahat ng inis na nararamdaman ko ng maamoy ko ito. Napakabango talaga at hindi nakakasawang amuyin.
Pipitas sana ako ng isa para ilagay sa may tainga ko ng maudlot ito dahil sa narinig kong mga mahihinang boses na nag uusap.
"So, magpapakasal ka talaga kay Chanel?"
Boses iyon ni Trinity. Pinagtsitsismisan nila ako? At bakit may nalalasahan akong pait sa boses nito?
"I need to, but don't worry, it was just purely a business." Walang buhay na sagot ni Klein.
Napaismid ako. Bakit parang namatayan ang boses nito? Dapat nga magsaya siya dahil maganda, seksi at mayaman ang papakasalan niya. Sobrang swerte ng taong makakabingwit sakin tapos siya, mag iinarte lang? Akala mo naman kong sinong kagwapuhan, tse!
"Pero paano na iyong sinasabing mong babaeng mahal na mahal mo?"
Nacurious ako sa tanong ni Trinity. May iba siyang mahal? Ang akala ko ba si Trinity ang gusto nito?
Naglakad ako ng kaunti sa kinaroroonan nila. Mabuti na lang at nakatalikod silang dalawa saakin. Nasa may bench sila at magkatabing nakaupo kaya doon ako sa may water fountain nagtago para mas marinig ko sila.
"I hope she can wait. I  really can't be wih her right now even if I want to."
Tsss... Ang drama naman.
Tignan natin kong may mahihintay pa ang sinasabi mong babaeng gusto mo. Akala mo naman papakawalan kita agad? No way! Saka lang kita papakawalan kapag nakita kong gumagapang ka na sa konsumisyon saakin. Pero depende pa kong nasaang level ka na ng pagka konsumisiyon.
"Can you tell me who she is, Klein?"
Ayan, sa wakas naman at may sinabi si Trinity na nagustuhan ko.
Malakas ang tahip ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot nito. I really need to know who is that girl para maipasalvage na agad. Pero syempre, nagbibiro lang ako. Kahit pa patay na patay ako sa kanya, hindi ko naman magagawang pumatay para lang mapasaakin siya. Hindi pa naman ako gano'n kadesperada noh.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang humarap si Klein kay Trinity. Parang may tumadyak sa dibdib ko ng biglang gagapin ni Klein ang dalawang kamay nito.
May sira na ba ang mga mata ko? Bakit hanggang dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang nakasalamin na pagmamahal sa mga mata ni Klein habang tinititigan si Trinity? Naka sideview naman sana sila.
Naghahalucinate na ba ako at kong ano ano na ang nakikita ko? At bakit niya hinahawakan ang kamay ni Trinity, akala ko ba may mahal siyang iba? Isa rin palang taksil ang lalaking ito. Paano na lang kapag ikinasal na kami, pagtataksilan niya rin ako, gano'n?
Aba'y subukan niya lang at kahit mata niya, hindi ko papalampasin na lagyan ng latay.
"Trinity---"
Bakit ang tagal naman niyang sabihin? Panay na ang kamot ko dahil kanina pa ako pinapapak ng lamok dito. Napaka unfair lang kasi, bakit ako lang iyong kinakagat nila? Hmmp.
Mga bwiset na lamok ito. Magkaka dengue pa 'ata ako dito.
"C-can you wait------"
"Ay pusanggala!"
Hindi naituloy ni Klein ang dapat sana niyang sasabihin ng may magsalita. Sa sobrang lakas ng boses, pakiramdam ko nabingi ako.
Nakita kong lumingon si Klein at parang hinahanap kong nasaan iyong nagsalita. Napausog ako bigla dahil baka makita niya ako.
"Who's that?" Malakas na tanong nito ng wala siguro siyang makita.
Lumitaw naman ang babaeng may kuto mula sa dilim at kakamot kamot na naglakad papunta sa kinaroroonan nila Klein. Jusko, makita ko pa ulit itong magkamot at talagang ipapakalbo ko na siya.
"Delia, what happened?" May concern na tanong ulit ni Klein.
So, Delia pala ang pangalan niya?
"Pasensiya na po sa istorbo, sir. Nakahanda na po kasi ang dinner." Nahihiyang  sagot ng babae.
Umirap ako sa kanya kahit hindi naman nila ako nakikita. Bwisit talaga.
"Okay. Were coming. Where is Chanel?"
Nanlaki ang mga mata ko ng hanapin ako ni Klein. I need to get out of here. Baka makita pa niya ako at malaman niyang kanina pa ako nakikinig sa usapan nila.
"Magpapahangin daw po, sir. Nakita ko po na dito siya patungo."
Shems. Biglang lumakas ang tahip ng dibdib ko ng biglang tumingin si Klein dito sa banda ko. Mabuti na lang at mabilis akong nakatago.
"Okay, search for her. Sabihin mong dumiretso na siya agad sa dining area."
"Sige po, sir."
Unti unti akong naglakad paatras para hindi makagawa ng anumang ingay.  Kailangan kong mauna doon sa dining area.
Nang tumalikod sila at sa kabilang banda naglakad, mabilis akong tumakbo sa dinaanan ko kanina.
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa dining area.
Hustong pagkaupo ko ay papasok naman sila.
Napatikhim ako ng ipaghila ni Klein si Trinity ng upuan. See, napaka gentleman talaga ng mapapangasawa ko. Nakakalungkot lang kasi hindi niya magawa ang ganyan saakin.
"Hi, Chanel." Nakangiting sabi ni Trinity saakin.
Nginitian ko siya ng matipid. Hindi ko feel ang mag maldita ngayon kasi nasasaktan ako sa mga nakikita ko.
Hindi man lang ako magawang tanungin ni Klein kong okay lang ba ako. Nandito lang si Trinity, parang hindi nanaman niya ako nakikita.
Nagsimula na silang maglagay ng pagkain sa mga plato nila kaya sumunod na rin ako.
Pilit kong nilunok ang nagbara sa lalamunan ko ng makita kong nilagyan ni Klein ng pagkain ang plato ni Trinity.
Nawalan ako ng gana sa nakita ko. Napaka insensitive talaga ni Klein. Hindi ba siya aware na nasasaktan ako sa mga ginagawa niya?
Pero sabagay, wala nga pala siyang pakialam saakin. Bakit ba kasi palagi ko na lang iyong nakakalimutan? Hayss.
Itinuon ko na lang ang pansin sa mga pagkain na nasa harapan ko, pero napangiwi ako ng makita kong puro gulay ang nakahain sa harapan namin. Wala bang beef steak o pork adobo na lang? Bakit naman puro gulay ang niluto nila?
"Is there a meat?" I asked and looked at Klein whom by the way is looking at me, too.
Hindi ko napansin. Kanina pa kaya niya ako tinititigan?
Parang nailang naman ako bigla.
"Why?" Matipid na sagot nito.
"Hindi kasi ako kumakain ng gulay."
Umarko ang kilay nito.
"Vegetable is healthy, Chanel." Nakangiting sabat ni Trinity.
Muntik ko na siyang ikutan ng mata. Bakit siya sumasabat? Hindi naman siya ang tinatanong ko. Napaka epal talaga.
"Yeah, Trinity is right. We eat more on vegetables here." Segunda naman ni Klein.
"I don't care. Can you tell them to cook for me? Anything, but not vegetables and fish?"
Nawala ang ngiti ni Trinity. Kumunot naman ang nuo ni Klein. Alam kong naiinis nanaman siya saakin.
"No! It's either you eat or not eat at all." Matigas na sagot ni Klein na nagpatigil saakin.
Maaatim niya talaga na hindi ako kumain? I can't believe this. Wala pa akong hiniling na hindi naibigay, ngayon lang at kapag kasama k9 si Klein.
"Kahit pasta na lang." Hirit ko ulit.
Hindi naman kasi ako mapili sa pagkain. Kahit nga pagkain na nabibili lang sa kalye ay kumakain ako. It's just that, nagsusuka kasi ako kapag kumakain ako ng gulay at isda. Bata pa ako, iyon na ang sakit ko.
Noong ipinatingin naman ako sa doktor, wala namang makitang problema sa katawan ko.
Mula noon, iniwasan ko na ang kumain ng mga gano'on kahit gaano pa ako katakam. Hindi rin kasi biro kapag nagsimula na akong magsuka, nanghihina talaga ang katawan ko. Idagdag pa na sumasakit ang lalamunan at sikmura ko.
"It is still a no. Kainin mo kong ano ang nakahain diyan. Huwag kang mapili dahil wala ka sa bahay niyo."
Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa pagkapahiya.
Ginusto ko ba ang mapunta dito?
"Klein, tama na." Pag-awat ni Trinity." Baka pwede pang magluto sina manang Belen. Maaga pa naman. Ibigay mo na lang kong ano ang gusto niya."
"Stop it, Trinity."
Pareho kaming napapitlag ng dumagundong ang malakas na boses ni Klein sa buong dining area.
"Mas lalong mamimihasa iyan kapag palagi na lang pinagbibigyan. Hindi na siya bata. Kung ayaw niyang kumain ng gulay, huwag siyang kumain. Hindi ang pagkain ang mag aadjust para sa kanya."
I swallowed the lump on my throat.
"O-okay. Sige. Kakain na ako. Pasensiya na kong ginalit kita." Mahinang sambit ko.
"Kakain ka naman pala ang dami mo pang arte." Ingos nito.
Napayuko ako dahil sa pagkapahiya. I felt pity for myself. Kasalanan ko ba kong ayaw ng katawan ko ng gulay?
Huminga ako ng malalim para pawiin ang sakit na namuo sa dibdib ko.
Nang makita kong itinuloy na nila ang pagkain, pasimple kong pinunasan ang luhang muntik ng tumulo sa pinggan ko.
Pinigilan kong manginig ang kamay ko habang kumukuha ako ng ulam.
Bahala na kong magsuka ako pagkatapos nito.

The Ceo's SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon