"Ano ba Chanel, tumalon ka na, makikita na tayo sa sobrang bagal mo e." Pagrereklamo ni Trexie.
Nauna siyang bumaba saakin. Nandito kami sa likod ng eskwelahan namin. Uwian na, pero hindi kami sa harap dumaan, dahil nga may usapan kaming lalabas ngayon. Hindi kami pwedeng dumaan sa harap dahil makikita kami ng mga bodyguards ko.
"Teka lang naman kasi at medyo nalulula ako, hindi ba ako mababalian ng buto kapag tumalon ako diyan?" Nag aalalang sabi ko. Nakatungtong ako sa ladder board na hiniram namin sa janitor na nakita naming naglilinis kanina. Idinahilan na lang namin na gusto naming kumuha ng bunga ng mangga, eksakto namang may mga hinog na itong bunga. Mabilis naman niya kaming pinahiram at pina alalahanan na mag ingat kami at baka mahulog kami. Hinintay muna namin itong maka alis bago namin isinagawa ang plano namin.
"Hindi ka mababalian ng buto riyan, hindi naman sobrang taas a, tignan mo nga ako at wala namang nangyari sa akin," pagpapaliwanag niya.
Kapag ako nabalian lagot ka sa aking bakla ka. Nagdadalawang isip parin ako kong tatalon na ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko ang mga bodyguards kong tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.
"Senyorita Chanel!" Malakas at sabay sabay na sigaw ng mga bodyguards ko kaya napalingon ako sa direksiyon nila. Gusto kong matawa sa hitsura nilang nag uunahan sa pagtakbo, malayo pa lang sila e kitang kita ko na ang pagkataranta nila.
"Bwisit ka Chanel, tumalon ka na, andiyan na ang mga bodyguards mo!" Natatarantang utos saakin ni Trexie. "Lagot tayo kapag naabutan tayo, bilis na at sasaluhin kita."
Napatingin ako kay Trexie na umaktong sasaluhin ako. Baka dalawa pa kaming mabalian ng buto kapag sinalo niya ako. Lampa pa naman 'tong baklang 'to.
"What the fuck are you doing there, Chanel?!"
Bigla akong napalingon dahil sa napakalakas na sigaw na narinig ko, dinaig niya pa ang mga bodyguards ko sa lakas ng sigaw niya.
Nakita ko si Klein na tumatakbo at hindi na maipinta ang mukha. Napangisi ako dahil sa hitsura niya, mababakas ang pagkairita sa mukha niya pero nangingibabaw ang pag alalala.
What the hell!
Dinadaya lang ako ng paningin ko, bakit naman siya mag aalala saakin?
"Don't you dare jump Chanel Amery Martini!" Malakas at madiin niyang saad. Naunahan niya pa ang mga bodyguards ko sa pagtakbo. Pero bago pa nila ako maabutan mabilis na akong tumalon. Narinig ko pa ang malutong na mura ni Klein bago ako sumalampak sa semento, una ang paa ko. Iminulat ko ang mata ko at napasigaw sa tuwa dahil success ang pagtalon ko, hindi ako nabalian ng buto at wala akong ni anumang galos.
"Trexie!" Impit na sigaw ko." Did you see that? I made it! Yes! I made it." Itinaas ko pa ang mga kamay ko at tumalon talon. Ang saya saya ko, ito ang unang beses na tumalon ako sa bakod at ang sarap pala sa pakiramdam.
"Oo, kitang kita ng dalawa kong mata, pero bago ka magsaya diyan tara na at siguradong 'andiyan na ang mga humahabol saatin," ani niya.
Sa isiping iyon, mabilis kong dinampot ang Chanel sling bag ko na nakasalampak sa semento, hindi ko na pinagpagan 'yon at hinayaan nalang na madumi. Kung nasa iba lang kaming sitwasiyon baka nagkandangawa na ako dahil narumihan ang pinakamamahal kong bag, pero wala ng oras para diyan, kailangan na naming umalis bago pa nila kami maabutan. Narinig pa namin ang malakas na sigaw ng mga bodyguards ko at ang nafufrustate na boses ni Klein bago kami dali daling tumakbo. Sakto namang may dumaan na jeep kaya dali dali itong pinara ni Trexie. Nakahinga kami ng maluwag ng maka upo kami ng maayos pero 'yon nga lang sobrang init naman. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong puro pala kami estudyante pero sa ibang school nag aaral 'yong iba dahil sa iba iba nilang uniporme.
BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
General FictionSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...