"Sa sahig ka matulog." Utos ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya sa banyo.
Iniwas ko ang tingin ko ng humarap siya saakin. Katatapos niya lang maligo at naka boxers briefs at sando lang siya. Hindi na rin naman bago saakin ang makakita ng naka boxers na lalaki dahil marami din ang ganito sa mga napapanood ko, pero iba parin pala ang epekto kapag harap harapan mo ng nakikita.
Nanuot sa ilong ko ang pinaghalong amoy ng sabon at aftershave nito ng maglakad ito papalapit saakin.
Kanina ko lang nalaman na under renovation din pala lahat ng mga kwarto nila. Sa una, hindi ako naniwala. At dahil sigurista ako, inisa isa ko talaga ang lahat ng kwarto, at totoo ngang nagsasabi ito ng totoo. Ang galing naman ng timing.
Kung sana sinabi niya ito ng mas maaga, baka napakiusapan ko pa si daddy na sa hotel na lang ako matulog.
"No way! This is my bed. I will sleep here." Mariing giit nito.
"Hep hep." Pigil ko sa kanya ng akmang mahihiga ito.
"Hindi tayo pwedeng magtabi. Napanood ko sa news kanina na nakarating na raw sa bansa natin ang Covid -19. Nakakabahala dahil nakamamatay ang sakit na ito. Ayaw ko pang mamatay kaya lumayo layo ka saakin."
Totoo namang napanood ko kanina na may mga nagpositive sa Covid-19, pero wala pa naman dito saamin.
"I don't have the symptoms of that virus. I am as healthy as a bull. So don't give me that kind of bullshit Chanel. I am starting to get pissed, and you don't want me getting pissed, right?" Mapanganib na sagot nito.
Napalunok ako at inalala ang nangyari kanina pero mas ayokong makatabi siya dahil mas nakakatakot kapag may nangyari saamin. Malay ko ba kong may plano siyang gahasain ako.
"Mas mabuti ng maging handa. Ngayon pa lang kailangan na nating idistansiya ang sarili sa isa't isa para hindi tayo mahawa sa sakit na iyan. Ayaw ko pang mamatay."
"I don't care. I won't adjust myself for the sake of that virus."
Wala na akong nagawa ng hinawi niya ang kamay kong pumipigil sa kanya. Kung bakit kasi kasya lang sa isang tao ang kama niya. Ang yaman yaman niya tapos napakaliit ng higaan niya?
Ngali ngaling sipain ko siya ng ngumisi siya sabay kindat saakin. Hindi ko alam pero bigla na lang naging mainit ang paligid, nakatodo naman ang aircon.
"Where are you going?" Tanong nito ng talikuran ko siya.
"I will take a bath. You have a problem?" Pagtataray ko sa kanya na tinawanan lang nito.
"I don't have a problem. Infact, I kinda like the idea." Sagot nito pero bakit may nahimigan akong malisya sa boses nito?
Hindi na ako sumagot dahil baka mas humaba pa ang usapan namin. Naglakad ako patungo sa luggage ko at pumili ng susuotin ko. Mabuti na lang at may nakita akong pares ng pajama na inilagay ni Nay Rosie. Sanay kasi akong naka maikling shorts at sando kapag natutulog pero iba ngayon dahil may kasama ako.
Akmang maglalakad na ako papunta sa banyo ng malingunan ko si Klein na nakatitig saakin. Inirapan ko siya at nilampasan.
Mahigit dalawang oras din 'yata ang ginugol ko sa pagligo. May nakita akong dryer kaya dito na rin ako nagpatuyo ng buhok ko. Sinadya ko talagang maligo ng matagal, nagbabakasakali kasi akong tulog na siya kapag lumabas na ako. Pero nadissappoint lang ako ng mabungaran ko siyang nakasimangot at mukhang inip na inip na sa paghihintay saakin.
"What took you so long? You spend almost two hours just taking a bath?"
Nakaupo siya habang nakasandal sa headboard ng kama at nakakunot ang noong nakatingin saakin. May hawak siyang libro at iyon yata ang pinagkaabalahan niya habang hinihintay ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/263777966-288-k977621.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
General FictionSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...