Tapos na akong mag enroll at hindi ko alam kong saan kami ngayon papunta. Ayaw kong magtanong dahil naiinis parin ako sa kanya. Basta ang alam ko, tumawag sa kanya si Trinity at magkita daw sila. Kaya heto, pati ako isinama. Hindi man lang tinanong kung gusto kong sumama, napaka walang modo talaga.
Maya maya pa'y huminto kami sa harap ng isang Italian Restaurant. It looks expensive if you will look on the design. It has a touch of elegance. A typical restaurant for rich people. The combination of white and mint green colors is very refreshing from the eyes. The glass wall is not tinted. And from here, I can see few couples happily chatting while eating.
But I frown because of the thought that I will eat here. Tss...Ano namang kakainin ko dito? Pasta?
Really? Mabubusog ba ako niyan? And how about my dress? Naka jeans lang kaya ako, pwede bang pumasok diyan ng naka jeans lang? Puro pa naman naka formal ang mga nakikita kong kumakain dito.
Napairap tuloy ako ng wala sa oras. At ng ibaling ko ang tingin kay Klein, nakatitig pala siya saakin, napalunok tuloy ako ng wala sa oras.
'Yong tingin niya kasi parang may gagawing kababalaghan at hindi pa ako ready sa mga ganyan.
"Why are you staring at me?"
Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Malalim siyang humugot ng buntong hininga at tinignan ako ng nakikiusap.
"Can we just talk gently and stop arguing? Honestly, I am already tired having arguments with you every damn time we are seeing each other."
Natigilan ako sa sinabi niya, inalala ko kung meron bang pagkakataon na nagka usap kami ng maalumanay pero wala akong maalala. Kung hindi nagpaparinigan, nagsisigawan naman kami.
Tumango nalang ako para matapos na ito. Ayoko munang makipag argumento ngayon, napagod ako sa ginawang pagpila ng pagkahaba haba kanina. Akala ko kasi ipa priority ako dahil mayaman kami at nakipag usap na rin si daddy sa kanila pero ang siste, hindi pala uso sa kanila ang gano'n. Ayun tuloy, tatlong oras akong nakatayo.
Akmang tatanggalin ko na ang seatbelt ko ng mauna na niyang gawin 'yon. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakahuma sa ikinilos niya. Sandaling nagtama ang paningin namin pero agad din akong umiwas dahil tumaas ang mga balahibo ko sa klase ng tingin niya.
"Just let me." Anas niya mismo malapit sa tainga ko.
Shit! Tumaas ang mga balahibo ko sa klase ng boses niya. Parang may mga paro parong gustong mag tumbling sa sikmura ko.
Sobrang lapit niya at tumatama na ang hininga niya sa may leeg ko. Kaya hindi ako nakakilos at nanigas nalang ako sa kinauupuan ko. Kung gagalaw kasi ako, siguradong mahahalikan niya ang leeg ko.
Ito ang unang beses na nagkalapit kami ng ganito. Naamoy ko ang pabango niyang nakakahalina. Napalunok ako at ninamnam ang bango niya. Ano kayang brand ang gamit niya? Parang gusto ko nalang siyang amuyin magdamag, nakaka adik kasi.
"Chanel."
Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses niya. Nagtama ang paningin namin at napansin kong naka balik na pala siya sa dati niyang pwesto. At nakalas na pala ang seatbelt ko.
Shit! Hindi ko namalayang napapikit pala ako. Ano kayang iniisip niya? Para naman akong tanga na may papikit pikit pa.
Nakaka hiya, parang gusto ko na lang maglaho sa kinauupuan ko, lalo na ng makita ko ang isang mapaglarong ngisi sa labi niya.
"What?" tanong ko ng mahamig ko ang boses ko.
"Nothing. I just realized that you are very beautiful."
BINABASA MO ANG
The Ceo's Señorita
General FictionSpoiled brat, quick tempered and impatient, that is how you describe Chanel Amery Martini, a daughter of a multi-billionaire businessman. She can get everything she want in just a snap of her fingers. Her father spoiled her too much that it was hard...