Chapter 21

28 1 0
                                    

Elle's POV

Malapit na yung birthday ko. Ano kayang gagawin namin non? Gusto ko kasi kapag birthday ko nagsiswimming.

Pinaka memorable yung birthday ko 7 years ago. Inaway away niya ako non akala ko seryoso na. April fools kasi kaya napagtripan ako. Kasama ko yung bestfriend ko non na si Erica. Umiiyak iyak ako kasi nga inaaway ako birthday na birthday ko. Tapos pumunta kami sa isang resort. Dun icecelebrate yung birthday ko.

Tapos grabeng gulat ko ng andun siya at bigla akong niyakap ng mahigpit. At sabing "Surprise Ma, pasensya na kug ngayon lang ako nag effort ng ganito. Alam ko matagal mo ng hinihintay 'to"

Naiyak ako sa mga sinabi niya. Ngayon lang siya nag effort ng ganito. At sobrang bongga ng effort niya. Our dream wedding. Beach wedding. Siya lahat ng may sagot. Kaya pala inaaway niya ako para magkaron siya ng mas maraming oras para asikasuhin ito.

He is really unpredictable.

Ibang iba yung ugali niya. Siya yung lalaking maggagalit galitan o di ako papansinin para di ako madamay sa init ng ulo niya. Pero minsan naman nakukulit ko siya ng di oras. Mabilis ko kasi talaga siya mamiss at ayaw na ayaw kong nag aaway kami kaya ako nangungulit. Pero kahit ganun naman tingin ko swerte siya sakin e.


Always and ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon