Sa buhay ng mag asawa hindi laging puro sweetness. Minsan may mga away na di inaasahan. Maliit o malaki man ang pinagmulan nagiging away pa din at may puntong nagkakasagutan kayo. Nung mga panahong magbf-gf palang kami may mga away sa sobrang laki, away na maliit lang pero lumalaki. Ako yung sobrang vocal kapag nag aaway kami. Gusto ko nag uusap kami hanggang sa kumalma.
"Ano ba! Diba sabi ko wag mo ng kakausapin yun?!" sabi ko sa kanya
"Bakit ba! Wala akong ginagawang masama!" sagot naman niya
"E bakit mo nga kinakausap mo yun ha! Sinabihan na kita dati na layuan mo yan!" sigaw ko habang nakahawak sa tiyan ko
"Wala kaming ginagawang masama! mag kaibigan lang kami! ano bang problema dun?!"
"Leche! Sinabi na nga na ayaw ko sa kanya o sa kanila! Ayoko ng kinakausap mo yan! Ayoko sila sa buhay natin! Mga panira yan!" inis na sabi ko
"Bahala ka!!!!" sigaw niya
"Ano?! Lalayuan mo yang mga yan o Mawawala ako sa buhay mo?!" hamon ko sa kanya
"Bala ka! Ewan ko sayo!" inis na sabi niya
Tumalikod ako papuntang kwarto namin at kumuha ng bag. Nakita ko naman siya na tumakbo papuntang kwarto
"Ano ba! Itigil mo nga yan!" sigaw niya at umupo ako sa kama na umiiyak
"Layuan mo sila" sabi ko
"Ayoko. Kaibigan ko sila" sagot naman niya
"Kaibigan? Sigurado ka? E sila nga yung laging dahilan kung bakit madalas tayo mag away noon! Tapos ngayon nakikiepal na naman sila!"
"Hindi ko sila nilalapitan. Sila lumalapit sakin" sabi niya.
'E malandi pala yan e!' sabi ko sa isip ko pero di ko na sinabi at nanahimik nalang.
"Layuan mo sila" simpleng sabi ko
"Oo na!" sabi niya
Humiga ako sa kama dahil nahihilo ako at sumasakit yung tiyan ko. Naramdaman kong binalik niya yung bag at lumabas ng kwarto. Ako naman eto nakahiga sa kama umiiyak.
"Baby sorry mainit ulo ni mama ha? wag mo na sipain si mama masakit na anak e" sabi ko habang kausap ko yung baby sa tiyan ko
Narinig kong may yapak papuntang kwarto kaya pumikit ako, nakita ko siya na nagbibihis
"Saan ka pupunta?" tanong ko at mukhang nagulat siya
"Magpapalamig lang ako" simpleng sagot niya
"Magpapalamig e pang Bar yang suot mo. Kung iinom ka dito ka sa bahay" sabi ko
"Uuwi din ako agad. Mag iinuman lang kami" sabi niya
"Akala ko ba habang buntis ako di ka iinom? Tapos may away lang tayo mag iinom ka?" sagot ko
"Sandali lang ako dun" sabi niya
"Tss. Bahala ka na" sabi ko nalang dahil ayoko na makipagtalo pa
"Dito ka lang." sabi niya. Siguro naisip niya na aalis din ako
"Oo di ako aalis" simpleng sagot ko
"Alis na ako" akmang hahalik siya pero umiwas ako.
"Ma" tawag niya, tumingin lang ako sa kanya at saka umiwas.
Nakakainis kasi! Sorry, I love you at 'Oo lalayuan ko sila' yun lang ang hinihintay ko!!
Tumayo ako at pumunta sa kwarto ng mga anak namin at hinalikan ko sila at pumunta naman ako sa sala
"Sige na umalis ka na" simpleng sabi ko pero ramdam na galit pa din ako
"Kiss mo na ako" sabi niya
"Ayoko!" sigaw ko
"Aaaaaaaah!" Napasigaw ako ulit sa sakit ng tiyan
"Sht! Ma!" Nagulag siya at kinakalma ang sarili
"Sht! Saglit tatawagan ko lang si mama" sabi niya ulit
"Mama pabantay yung mga bata. Dadalhin ko si Elle sa ospital e" "Opo manganganak na po ata" "Opo pakibilis nalang mama tulog na po yung mga bata" sagot niya sa mama niya
"Aaaaaah! Ang sakit na!!" sigaw ko. Kahit pangatlo ko na to masakit pa din
Binuhat niya ako papasok ng kotse
"Hingang malalim Ma, pangatlo na to" sabi niya habang iniistart yung kotse. Kalmado naman siya pero kanina nagpanic siya dahil bi glang sigaw nga ako at galing kami sa tampuhan.
"*deep breathing* Pa! Bilis! sabay hawak ko ng mahigpit sa kamay niya
" Eto na Ma, baby wait lang please malapit na tayo" tila pinakikiusapan niya yung anak namin
After mga ilang minuto, nakarating na kami sa ospital. Dali dali din akong pinasok sa Delivery Room dahil oras ko na. Kasama ko yung asawa ko hanggang sa loob.
Kitang kita niya na masakit kaya hinigpatan niya hawak sa kamay ko.
"I love you" Ngumiti ako at sinabi yan sa kanya
He kissed my lips and said "I love you Ma"
Pumasok na yung OB ko at kinausap ulit si Alden.
"Misis, push" sabi ng Doctor at syempre push naman ako. hawak hawak ko kamay ng asawa ko and he's supporting me hahaha
"Ayan na misis nakalabas na yung ulo" sabi ng Doctor ko
"Aaaaaaaah!" On my last full pressure push rinig na rinig ko ang iyak ng baby
Narinig ko din na sinabing "Baby girl out 12:55am" kahit alam ko na from my ultrasound na baby girl ang third baby ko hindi ko maiwasang maluha. Pinatong sa dibdib ko ang baby ko at hinaplos ko siya.
Hinalikan kami ng asawa ko at nagpapicture pa kami ha! hahahaha kakaiba talaga yung asawa ko.
Kinuha nila yung baby sakin at nilinis, Lumapit sakin yung asawa ko at hinalikan ako ulit
"Sige na ma pahinga ka na. Close your eyes. Mahal na mahal kita" sabi niya
"I love you Pa" then I closed my eyes at nagpahinga.
Ramdam ko may nakayakap sakin kaya dumilat ako at bumaling sa side niya. Natutulog din sa tabi ko yung mister ko. Antok na antok yung unang unang baby ko, Baby damulag.
Hinaplos ko yung pisngi niya at hinalikan siya kaya nagising naman siya
"Ma wag mo kong rapin, nasa ospital tayo saka kakapanganak mo palang" birong sabi niya
"Baliw! Gusto ko na makita si baby Pa" sabi ko sa kanya
"Sige Ma" inalalayan niya ako at sabay kaming pumunta sa cr para mag toothbrush pagtapos naman ay bumalik ako sa kama at siya naman ay bumaba para sabihin sa nurse na gising na ako at iakyat na si baby at bumili na din ng pagkain.
Habang naghihintay nakatulog ako ulit. Dahil na din siguro sa pagod

BINABASA MO ANG
Always and Forevermore
RomanceWe're both stranger to each other We're not even friends I don't know him at all We're both a total stranger But.. Destiny came.. It changes both our lives and now we are starting our journey to Always and Forevermore