Alden's POV
Tinuturuan kong magbasketball mga anak ko. Dati rati mga kaibigan ko ang kalaro ko kapag nagbabasketball ngayon mga anak ko na.
Ang sarap sa feeling na nakabuo kami ni Elle ng maganda at mga gwapong anak haha. Ganda ng lahi naming dalawa e.
Si Luke ang pinakahyper sa kanilang lahat. 4 years old palang siya ngayon pero parang mama niya. Malikot at makulit hahaha si Den naman 6 years old medyo makulit din pero nacocontrol hahaha
Lahat ng kakulitang yun namana nila sa mama nila.
Tinuturuan ko silang magdribble muna. Syempre maliit na bola yung gamit namin di pa naman nila kaya yung malaki e hahaha
Eto namang si Luke tinatakbo yung bola imbis na ipasa sakin o sa kuya niya haha
"Nak pasa mo kay kuya" sabi ko sa kanya habang natatawa. Ang likot na bata! Takbo ng takbo hahaha
"Catch kuya!" sigaw ni Luke kay Den
Nag abang naman si Den ng bola.
Mahina yung pagkabato ni Luke kaya hindi rin umabot hahaha
Parang kami lang ni Den naglalaro ng basketball kasi ba naman si Luke takbo lang ng takbo hahaha parang mama nga talaga nila.
Nakita kong pumasok sa loob ng bahay si Luke kaya kami ni Den nalang ang naglaro.
"Ayy!" sigaw naming dalawa ni Den
"Hahahahahaha!" rinig kong tawa ni Elle at ni Luke
"Humanda kayong dalawa sakin" sabi ko sa kanila at nakita kong kinarga ni Elle si Luke at tumakbo.
Habang tumatakbo sila binabaril ako ni Luke.
Oo binasa nila kami ng tubig gamit ang water gun!
Lakas ng trip ng asawa ko talaga. Kaya binuksan ko yung gripo at kinabit yung hose
Pati ako tumakbo na din. Si Den naman tabo ang bitbit hahahaha
Ganito magbonding ang pamilya namin. Makulit at masaya.
Hahahahaha nang matapos ang labanan ng tubig, pinaliguan namin si Luke at Den at saka pinapasok sa loob.
"Hintay niyo ko diyan nak, bibihisan ko kayo" sabi naman ni Elle
Nagpunas kaming dalawa para di kami gaanong basa kapag pumasok sa bahay.
Sabay na kaming maliligo ng asawa ko
I kissed her bago niya lapitan yung mga anak namin.
Araw araw mas lalo ko siyang minamahal. Napakaswerte kong lalaki sa piling niya.
Mahal na mahal ko siya.
Mahal na mahal ko sila ng mga anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/19744919-288-k441448.jpg)
BINABASA MO ANG
Always and Forevermore
RomanceWe're both stranger to each other We're not even friends I don't know him at all We're both a total stranger But.. Destiny came.. It changes both our lives and now we are starting our journey to Always and Forevermore