Habang nagddrive yung mister ko. Ako naman kumakanta lang sinasabayan ko yung tugtog sa mga radyo para naman hindi din mainip yung asawa ko
"Ma salamat" sabi niya bigla
"Hm? Saan Pa?" tanong ko
"Sa lahat ma. Binigyang kulay mo lalo yung buhay ko. Nung ikaw palang sobrang saya ko na ngayon mas sobra sobra ang saya dahil na din sa 3 anak natin" sabi niya
Maluha luha ako sa mga sinabi niya. I wiped my tears at nakita niya yun! Hahaha
"Ma! Iyak na naman e!" suway niya sakin
"Tears of joy to mahal! Alam mo naman na mababaw luha ko Pa!" sabi ko
"E kasi naman Ma nakakatuwa lang dahil natutupad na yung pangarap nating pamilya" sabay patong ng kanan niyang kamay sa hita ko
"Oo nga Pa e ang saya saya ko din. Hindi ko din maimagine na dalawang bata na pala lumalabas sakin haha magiging tatlo na Pa!" sabi ko
"Sobra ding nag iba itsura mo na nung nakasama mo na ako. Mas nagkalaman ka Ma" sabi niya
"Syempre Pa! Ikaw pa e alagang alaga ako sayo! Lahat ng pinapakain mo sakin healthy" nakangisi kong sabi. Bigla din ngumisi ang asawa ko hmm mukhang iba naiisip nito
"Oo naman ma *sabay kindat* lahat ng kinakain mo healthy" hahaha sabi na e may double meaning!
"Baliw ka talaga Pa! Kung ano ano na naman naiisip mo" hampas ko sa braso niya
"Ang ganda mo Ma" sabay tawa niya
"Sira ka Pa! Biglang tawa!" sabi ko nalang
"Hahahaha loko lang Ma pero ang ganda mo sobra. Mas nagbloom ka pa nung nagkaroon tayo ng mga anak" kinikilig ako! kahit matagal na kaming kasal kinikilig pa din ako!
Palagi paring may butterflies sa tiyan ko at napakabilis pa din ng heartbeat ko. Kung ano yung naramdaman ko nung una palang ganun pa rin hanggang ngayon
Nakarating na kami sa Nuvali dito kami magpipicnic ng pamilya ko
Naglatag na yung asawa ko sa lawn at binaba yung mga basket. Ako naman bitbit ko yung dalawang anak namin
"Mama look! Laro kami mamaya ni kuya dun" sabay turo ni Luke sa playground malapit
"Sige anak. Pasama kayo kay papa mamaya" sabi ko sa kanilang dalawa
"Opo mama" sabay nilang sagot
"Pa laro daw kayo dun mamaya sa playground" sabi ko sa asawa ko
"Sige Ma, ikaw di ka sasama dun?" tanong niya
"Hindi na Pa" simpleng sagot ko
"Hmm siguro lalamob ka no?!" tanong niya sabay pisil sa ilong ko
Tinawanan ko lang siya at ngumisi
"Sus ang misis ko nga naman ang takaw! Wag mo masyadong ubusin yung peanut butter Ma tirhan mo naman ako" sabi niya hahaha favorite kasi naming mag asawa ang peanut butter sanswich at malakas kaming kumain non hahaha
"Opo! Magtitira po ako Pa" habang nag uusap kami yung dalawang anak naman namin ay kumakain lang. Pagod at gutom from school e
Habang busy sila sa pagkain pinipicturan ko naman sila.
Grabe ang saya tignan. Kahit magiging tatlo na anak namin sabik pa din ang asawa ko sa katawan ko HAHAHA Jk. Kahit magtatlo na sila kitang kita ko na hindi nawawala yung pagmamahal ng asawa ko mas sumusobra pa nga ito.
Natutuwa din ako dahil sinusunod nila akong mag aama pero paminsan minsan talo ako. Ako lang nag iisang babae sa bahay, napagttripan ako ng mga anak ko at ng asawa ko.
Kung ano yung kulit ko mas makukulit sila kapag nagsanib pwersa hahahaha!
"Ma, bakit?" biglang sabi ng asawa ko kaya napatingin ako sa kanya
"Anong bakit Pa?" sabi ko naman
"Bakit ang ganda ganda mo Ma?" grabe! namumula ako sa kilig! kahit matagal na kaming kasal kilig na kilig pa din ako na para bang first time
Kahit paulit ulit yung mga banat niya kinikilig pa din ako hahaha
"Uy kinikilig!" sabay sundot ng asawa ko sa tagiliran ko
"Palagi naman akong kinikilig sayo Pa" sabi ko at namula din siya! hahahaha
Kumain lang kami at nagkwentuhan. Kahit lagi ko silang nakakasama hindi pa din kami nauubusan ng kwento. Araw araw panibagong usapan. Araw araw panibagong biruan at asaran.
Napakaswerte ko sa pamilyang nabuo namin. Sobrang saya ko at Napakaswerte ko sa anak at lalong lalo na sa asawa
BINABASA MO ANG
Always and Forevermore
RomanceWe're both stranger to each other We're not even friends I don't know him at all We're both a total stranger But.. Destiny came.. It changes both our lives and now we are starting our journey to Always and Forevermore
