Chapter 10

43 5 0
                                    

Elle's POV

Yung asawa ko titig na titig na naman sakin hahahaha natutunaw pa din ako sa mga titig niya kahit na mag asawa na kami.

Dati rati nung mag bf-gf palang kami halos every week nag aaway kami. On and off din kami nung mga panahon na yon. Parang mga baliw lang no. Maski yung mga taong nasa palagid namin nababaliw na din sa relasyon namin hahaha

Pero kahit ganun mahal na mahal ko siya. Topakin yang asawa ko e. Lahat pinagseselosan! Lalaki, Babae pati baby! Hahaha pero kinikilig ako kahit ganun siya. Mahal na mahal ko talaga.

Minsan nauuwi sa break up yung pag aaway namin. Pero di matitiis na wala ang isa't isa e. Sobrang mahal namin ang isa't isa.

"Pa" tawag ko sa kanya

"Hm?" sagot naman niya

"Mahal na mahal kita Pa" napangiti siya at hinalikan ako

"Seryoso Pa, sobrang mahal kita" ulit ko

"Alam ko Ma ramdam na ramdam ko" sabi niya

"Mahal na mahal kita Pa, kahit na marami tayong napagdaanan at away noon. Kasalanan mo o kasalanan ko man balewala na sakin yun wag lang tayong mag away at maghiwalay. Oo nagkakasabihan tayo ng masasamang salita pero dala lang ng galit yun at pagkamiss natin sa isa't isa. Kahit anong mangyari Pa walang iwanan. Walang hiwalayan. Tampuhan lang Pa pero wala ng hiwalayan. Pag usapan ang dapat pag usapan. Wag na puro init ng ulo. Pa mahal na mahal kita, uulit ulitin ko yun at di ako magsasawa. Kahit na topakin ka iintindihin kita. At kapag may nagawa kang kasalanan idadaan ko nalang sa iyak pero papatawarin at papatawarin pa rin kita" sabi ko na mangiyak ngiyak.

"Hala Ma nag eemote ka na naman" sabay punas sa luha ko

"Totoo lahat yun Pa" sabi ko

"Alam ko Ma wag ka na umiyak" pagpunas niya ulit sa luha ko

I gave him a smile and a peck on his lips

"Napakaswerte ko sayo Ma. Hindi man ako vocal sa pagsabi nun pero napakaswerte ko talaga sayo Ma. Sobrang nagpapasalamat ako kasi sa dami ng nagawa ko sayo napapatawad mo pa din ako. Salamat Ma sa walang sawang pag intindi at pagpapatawad mo sakin. Sa walang sawang pagmamahal mo sakin. Pasensya na Ma kung topakin ako noon at hanggang ngayon hehe. Mahal na mahal din kita Ma. Higit pa sa buhay ko. Nung mga panahong nagbbreak tayo nagiging miserable ako. Inom doon inom dito. Hindi ko kasi alam kung pano ang gagawin sa panahon na yun. Kahit na alam kong babalik ka din sakin haha baliw na baliw ka sakin Ma e. Mahal kita Ma sobra sobra" I was crying already when he's saying all of it.

Kasi kahit napakaraming nangyari walang wala pa din nakakatalo sa pagmamahalan namin. Babalik at babalik pa din kami sa isa't isa

Sabi ng mga cyber friends namin. Normal sa isang relasyon ang mag away at mag on and off. Ganun naman daw talaga. At ang sabi nila kaya kami madalas nag aaway ay dahil miss namin ang isa't isa at sobrang paranoid lang.

Always and ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon