Elle's POV
Naramdaman ko nalang na nakapulupot yung mga braso niya sa katawa ko.
Akmang babangon na ako pero hinigpitan niya yung yakap niya sakin.
Mahirap ang tiisin siya pero kailangan kong gawin para matauhan at maisip niya yung mali niya.
"Ma wag muna" malungkot niyang sabi
"Naiihi ako" malamig kong sabi. Tinanggal naman niya yung yakap niya
Papasok na ako ng banyo ng naramdaman kong sumusunod siya.
"Bakit?" tanong ko
"Baka kasi paglabas mo ng banyo takasan mo ko e" sabi niya
"Tss. Iihi ako" sabi ko
"Sasama lang naman ako sa loob" pilit niya
"Wag na!" sabi ko ulit at nag pout siya
Nag cr na ako at yun may dugo na naman nga ulit yung urine ko e tapos na period ko. Niflush ko nalang at lumabas
Pagbukas ko ng pinto nakaabang siya at hinawakan kamay ko at hinila ako papunta sa kama at kinandong sa kanya
"Sorry na Ma" sabi niya sabay siksik sa leeg ko
"Inaantok pa ako. Masama pakiramdam ko" masama pakiramdam ko talaga. Nahihilo ako. Ayoko man tiisin siya pero kailangan talaga
"Bakit Ma? Anong masakit sayo? Anong nararamdaman mo Ma?" sunod sunod niyang tanong. Ganyan yan. Ayaw na ayaw niyang nagkakasakit ako. But unfortunately lapitin ako ng sakit e mababa immune system
"Nahihilo ako Pa" pagkasabi ko niyan ibig sabihin bati na kami.
"Sige Ma higa ka na muna. Meron ka pa ba? Kapag meron ka kasi madalas masama pakiramdam mo e" sabi niya at kapag meron ako inaaway ko siya madalas. Ewan ko ba bakit ganun minsan yung hormones ng babae ang abnormal hahaha
Mabilis talaga akong bumigay kapag naglalambing siya. Ngayon lang yung matagal almost 2 weeks ng pang iisnob sa kanya. Kahit na minsan natetempt akong irape siya hahaha
Dati rati kasi nung mag boyfriend-girlfriend palang kami natitiis niya ako kapag nag aaway. Di ko alam kung pano niya nagagawa yon. Nakakatampo nga noon e kasi kayang kaya niya akong tiisin
"Ma inom ka na ng gamot" sabay abot at alalay niya sakin paupo
Pagkatapos kong uminom ng gamot inalalayan niya ako pahiga at humiga rin siya sa tabi ko at niyakap ako
"Ma pacheck up ka na. Nadadalas yang hilo mo e" sabay halik niya sa noo ko
"Saka na. Walang magbabantay kay Feb" sabi ko
"Dalhin natin siya kila mama tapos pacheck up tayo" sabi niya. He really insisted na mag pacheck up ako.
"Next time na please mahal? Okay lang ako. Meron lang ako kaya nahihilo ako" sabi ko at totoo naman yun. Kapag nagkakaron ako masama pakiramdam ko lagi.
"Sige na nga Ma" sabi niya at niyakap pa ako ng mas mahigpit at nirurub yung puson ko. Nawawala yung sakit kapag siya.
Imagining what had happened between us back then made me realize how true our love is. Sobrang dalas namin magbreak non dahil lang sa away. But still we still find our way back into each other's arms. Kahit anong problema at masakit man sa damdamin bumabalik at bumabalik pa rin kami sa isa't isa
BINABASA MO ANG
Always and Forevermore
RomanceWe're both stranger to each other We're not even friends I don't know him at all We're both a total stranger But.. Destiny came.. It changes both our lives and now we are starting our journey to Always and Forevermore
