Pagkauwi namin sa bahay may mga bisita, mga kamag anak niya halos lahat at kaibigan. Nag aabang yung mga anak ko sa may pintuan. Tila inaabangan ang pagdating naming mag asawa
"Mama! Papa!" sigaw ng dalawa mula sa pinto
Bumaba akong sasakyan at karga karga ko si Ella. Agad namang kinuha ni Alden si Ella sakin. Gusto niya talaga siya may hawak sa mga anak namin e. Hindi niya bibitawan yun hangga't di umiiyak! Ganun ang asawa ko. Gusto laging bitbit ang baby namin
"Mama gusto ko po makita si baby sister" sabi ni Ven, habang tinitignan ko siya nakikita ko na kuyang kuya na talaga ang panganay ko. Dadating yung panahon na may ipapakilala siya saking babae.
"Mama bakit ka po umiiyak?" tanong ni Ven sakin sabay hug
"Anak wag ka muna magkakacrush ha? Si mama at si feb lang only girl sa buhay mo ha?" nag iba mukha ng anak ko at mukhang nalito
"Mama ano pong crush?" napalingon samin si Alden at lumapit
"Ma! kung ano ano na naman tinuturo mo sa anak natin! Namana na nga nila yung kakulitan mo e"
Nagpout ako at pumasok sa loob. Medyo nawala ako sa mood kasi ba naman sinasabihan ko lang yung anak ko na wag muna. Syempre gwapo yung anak ko pano nalang kung may bigla ulit magbigay ng flowers sa kanya haaaaaay! ano ba tong naiisip ko nappraning na naman ako
"Michelle, Anak lika kumain ka na muna dito" sabi ng mama ni Alden
"Opo mama" sabi ko at sumunod sa kanya. Okay na kami ng mama niya at ng pamilya niya. Dati ayaw sakin ng magulang niya. Hindi pa naman nila ako nakikilala pero ayaw na nila sakin.
May mga tao kasing pilit akong sinisiraan mapaghiwalay lang kaming dalawa. Sobrang trauma ko na din sa mga nangyari noon kaya sobra akong mapraning. Syempre masakit sa akin yun na hinuhusgahan ka na agad hindi pa naman nila ako nakikilala.
Noong mag bf-gf palang kami pareho kaming suicidal tuwing may matinding away minsan nauuwi sa break up pero kinabukasan magkakabalikan din.
May mga nagawa kaming bagay na hindi maganda. Sa pagiging suicidal naming dalawa lalo akong inaayawan ng pamilya niya. Na kasalanan ko daw kaya nagkakaganun yung anak nila. Syempre masakit yun pero mapapaisip ka na 'Oo nga no kasalanan ko nga kaya niya ginawa yun' kaya ako naman ang gagawa ng masama sa sarili ko.
Pero kahit ganun nagkakabalikan pa din kami. Matagal bago ako matanggap ng pamilya niya. Pero naiintindihan ko naman yun.
"Aah" bigla akong napahawak sa ulo ko sa sobrang sakit
"Anak, bakit?" pag aalalang tanong ni mama
"Sumakit po yung ulo ko mama" sabi ko sa kanya
"Teka anak, tawagin ko si Jay para maalalayan ka sa gamot" sabi ni mama at tinawag si Alden.
Habang naghihintay nagheads down na muna ako. Sobrang kirot talaga ng ulo ko
"Ma" rinig kong sabi habang hinahagod yung likod ko
"Pa si feb?" tanong ko sa kanya
"Binigay ko muna kay mama, sumasakit daw ulo mo e" sabi niya
"Oo Pa, biglang kirot e parang tinitwist" explain ko
"Sige Ma higa ka muna sa kwarto ako na bahala sa bisita saka oobserbahan din kita" sabi niya. Maglalakad na sana ako pero kamuntik na akong tumumba
"Buhatin na kita Ma" binuhat niya ako at humilig ako sa kanya at pumikit. Hindi ko na kasi kaya yung sakit e
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo at sa lips at saka sinara yung pinto.
Tuluyan na akong nakatulog
Alden's POV
Ayoko talagang nagkakasakit yung misis ko. Palagi akong kinakabahan kapag sumasama pakiramdam niya. Natatakot akong magkasakit siya ulit tulad dati nung hindi pa kami kasal.
Sakitin siya noon. Labas masok sa ospital yun. Ako naman laging natatakot dahil baka kunin siya sakin bigla ni God. Noon kamuntik na siyang mawala sakin. Nagkaroon siya ng Car accident noon at na ICU sobrang takot ko, iyak ako ng iyak dahil ayoko siyang mawala sakin. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko
Yun yung unang beses na kamuntik na siyang bawiin sakin. Pangalawa yung nabaril siya. Walang may kasalanan nun pero sobrang sisi ko sa sarili ko na sana di ko siya pinabayaan. Dapat nakinig ako sa kanya. Dapat siya ang pinakinggan ko hindi ang ibang tao.
Kaya tuwing may nararamdaman siyang masama inoobserbahan kong mabuti at todo alaga ako. Natatakot akong mawala siya sakin. Natatakot akong kunin siya sakin. Hindi ko kayang mawala siya. Hinding hindi ko siya kayang mawala sakin.
"Nak, kamusta na si Elle?" tanong ni mama
"Pinapahinga ko na po mama. Oobserbahan ko na din po yung lagay niya"
"Sige anak, kailangan mo ba ng tulong?" tanong niya sakin at tila gusto niyang kunin muna yung dalawang apo niya
"Gusto niyo po kunin si Ven at Luke?" tanong ko
"Oo sana anak, namiss ko mag alaga ng bata e"
"Sige mama sa inyo na po muna sila. Sunduin ko nalang po sila bukas" punagbigyan ko na si mama haha mukhang miss na nga niya talaga. Sana kayanin niya yung dalawang anak ko makulit pa naman yun mana sa mama nila
Nagsialisan na ang mga bisita at pumasok na ako sa kwarto.
Inihiga ko muna si Ella sa crib dahil tulog naman siya kaya ang asawa ko naman muna ang aasikasuhin ko
Yakap yakap ko si Elle. Narinig kong humikbi siya
"Ma, gising. Ma" gising ko sa kanya
"Pa" sambit niya at umiiyak pa din siya
"Bad dreams mahal?"
"Opo Pa" pinunasan ko yung mga luha niya
"Ano yun mahal?" tanong ko
"Iniwan mo ko Pa kasi may sakit ako. Iniwan niyo ko ng mga anak natin" iyak siya ng iyak
"Shh tahan na Ma di yun mangyayari okay? walang iiwanan ha? wag ka na umiyak ma mamamaga yung mata mo niyan e" pagtahan ko sa kanya
"Wag mo ko iiwan Pa" sabi niya
"Hinding hindi kita iiwan" sagot ko sabay halik sa mga mata niya
BINABASA MO ANG
Always and Forevermore
RomansaWe're both stranger to each other We're not even friends I don't know him at all We're both a total stranger But.. Destiny came.. It changes both our lives and now we are starting our journey to Always and Forevermore