Elle's POV
Nag away kami. Ulit. Napapadalas. 2am. Umalis ako ng bahay dahil hindi ko na kinaya yung mga nasabi niya. Oo dapat sanay na ako na ganun siya kapag nakakainom pero hindi e. Di pa din ako sanay na ganun ugali niya. Kaya eto umalis ako sa bahay. Kailangan ko lang mapag isa at mag isip.
Kapag nakakainom dun lahat lumalabas lahat ng saloobin ng isang tao.
Mahal na mahal ko siya at alam kong normal lang lahat ng 'to sa isang relasyon.
Alden's POV
Napapadalas yung away namin. Ngayon lumayas siya. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Iniwan niya cellphone niya.
Nababaliw na ako kakahanap sa kanya. Tinawagan at tinext ko na lahat ng kakilala namin.
Pero wala pa din akong balita. Umaga na pero di ko pa din siya mahanap.
Nagkasagutan kami kagabi dahil din nakainom ako at siguro siya hindi na din niya kinaya kaya nasigawan na din niya ako.
Nagsisisi ako sa mga sinabi ko. Kanina pa ako umiiyak kakahanap sa kanya. Hindi ako makaalis sa bahay dahil sa mga anak namin at baka bumalik na siya.
Gustong gusto ko na ireport sa mga pulis yung pagkawala niya pero wala pang 24 hours.
Hinahanap hanap na siya ng mga anak namin. Pinapunta ko na din si mama dito. At kanina ko pa kinukulit lahat ng nakakakilala at nakakachat niya kung may nasabi ba siya sa kanila na pupuntahan niya.
Naiisip ko na puntahan siya sa mcdo dahil alam kong paborito niya doon at dun siya nagpapalipas ng oras kapag may problema siya. Pero kahit saang mcdo ako pumunta na malapit dito wala siya.
Elle's POV
I'm here. In my favorite place. Thinking. Crying my heart out. Napapakalma ako ng tubig. Kapag nakakakita ako ng tubig kumakalma yung isip ko at the same time napapaiyak din ako nito habang nakatingin sa kalawakan ng tubig at langit na puno ng mga bituin.
Sana hanapin niya ako...
Mahal ko siya sobra...
Hinihintay ko lang naman siya dito e.
Dito sa MOA. Nakatitig sa manila bay. Malapit sa mga ferris wheel.
BINABASA MO ANG
Always and Forevermore
RomanceWe're both stranger to each other We're not even friends I don't know him at all We're both a total stranger But.. Destiny came.. It changes both our lives and now we are starting our journey to Always and Forevermore