Chapter 1

303 11 0
                                    

"Pa! Bilisan mo naman susunduin mo pa yung mga bata!" sigaw ko mula sa kusina. Nasa kwarto kasi yung asawa ko naliligo ata!

"Oo ma andyan na!" sigaw naman niya

"Bilis Pa! naghihintay yung mga bata sa school" sabi ko ulit ng pasigaw

"Opo andyan na po!" sabay halik sakin sa batok. Di ko namalayan na nasa likod ko na pala siya

"Hmm Okay na ba yan Ma?" tanong niya sakin.

"Oo Pa. Ilalagay ko nalang sa tupperwares" tukoy ko sa ma pagkain

"Sige Ma ako na magbibitbit" sabi niya sabay kiss sa pisngi ko

"Hello baby" sabi niya sabay himas sa tiyan ko.

He looked at me and said "Ma sumipa siya! Ramdam mo?" tanong niya sakin

"Opo Pa! Alam mo naman si baby kumukulit kapag hawak mo na yung tiyan ko. Maka daddy na naman siguro 'to" sabay pout. Halos lahat kasi ng anak namin maka Daddy. Pinagtutulungan nila akong asarin lagi

"Hahaha! Lika na Ma sunduin na natin yung mga bata" tinawanan niya ako at nilagay yung mga packed foods sa loob ng baskets.

Inalalayan niya ako papasok sa kotse at pagkaupong pagkaupo niya sa driver's seat he gave me a peck on my lips.

He started driving and I opened the stereo. Saktong saktong tumugtog yung palagi kog nirarap sa kanya na 'Akala by Parokya Ni Edgar'

"Akala ko ice tea yun pala beer. Akala ko reverse yun pala second gear ♪" nagrarap lang ako habang nagddrive siya

"Grabe Ma! Walang kupas ang best rapper in town!" Pang aasar niya sakin

"Baliw! Natutuwa ka naman kapag nagrarap ako e ;)" kinindatan ko siya

"Oo na ma! Nang aakit ka na naman e! May laman pa yang tiyan mo!" sabi niya sabay palo sa legs ko

Ako naman tinawanan ko lang siya.

A few minutes had passed nakarating na kami sa school ng mga bata nakita kong nag aabang ang mga anak namin sa may gate.

Unang nakakita samin si Luke ang aming 4 years old na anak, he's in nursery ang pogi niyan syempre manang mana sa papa niya at napakabibo din! Madaldal naman siya tulad ko haha!

"Kuya! Diyan na sila mama at papa!" pagkuha niya ng atensyon kay Luke

Si Den ang panganay naming anak He's 6 at nasa Grade 1 na siya. Etong si panganay naman ay kamukha ko pero singkit gaya ng papa niya! haha

Nakita kong hinawakan ni Den ang kamay ni Luke at lumapit sa asawa ko. Tanaw na tanaw ko yung itsura ng mag aama ko. Nakakakilig dahil ang dating pangarap namin ay natutupad na.

Ang gagwapo ng mga anak ko at ng asawa ko! Ang saya ko sobra. Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya.

Pumasok na sa back seat ang mga anak ko at nilagyan ni Alden ng seatbelt ang mga bata pero bago pa yun ay humalik na sila sa akin

"Mama Papa san tayo punta?" tanong ni Den

"Secret anak" sagot ng asawa ko

"How's school mga anak?" tanong ko sa kanilang dalawa

"Ako ako! Kuya ako muna!" Expected na unang magsasalita si Luke. Sobrang makwento ng batang 'to

I looked at him and smile

"Mama Papa nagdrawing kami! Nidraw ko po tayo" sabay pakita niya ng papel na may drawing niya at names namin sa baba

Sumusulyap si Alden habang nagddrive.

"Galing ng anak ko. Very Good! Binigyan ka pala ng star ni teacher e" sabi naman ni Alden

"Opo Papa eto din po oh!" sabay pakita ng braso niya na may 2 star

"Wow galing ng anak ko. Mana sa papa!" tumingin siya sakin at binelatan ako! Aba baliw tong mister ko ah!

"Ikaw na kuya!" tukoy ni Luke kay Den

"Dami pong lessons mama papa. May assignment po ako ulit" sabay kuha ng assignment notebook niya sa bag niya

Tinignan ko naman ito. Hmm Math at Filipino ang assignment niya

"Tuturuan ka namin ni papa mamaya pag uwi ha?" sabi ko kay Den

"Opo mama" sabi niya

"Ano pa mga anak?" tanong ko

"Mama may nagbigay ng flowers kay kuya kanina habang niwawait po namin kayo!" biglang singit ni Luke

"Talaga nak? iba talaga kapag pogi no Ma? Bata palang yang panganay natin may nanliligaw na" pang aasar niya sakin

"Baliw ka!" sabay kurot sa tagiliran niya pero tinawanan nalang niya ako

"Bakit ka daw binigyan Den?" tanong ko

"Di ko po alam mama" diretsong sagot niya

"Bakit ka daw binigyan ng flowers?" tanong ko ulit

"Sabi niya mama crush niya daw po ako. Ano po yung crush mama?" biglang tanong niya

"Pa! Ikaw nga mag explain" sabi ko kay Alden

"Anak ibig sabihin nun you like that person" sabi ni Alden sa anak ko.

Sinulyapan ko yung dalawa si Ven nakikinig samantalang itong si Luke kumakain lang ng peanut butter sandwich

"Hindi ko po siya like papa. Siya nga po yung nagbabali ng crayons ko e" sumbong samin ni Den

"Hayaan mo nalang anak basta wag kang mang aaway ha? especially girls. wag mo silang aawayin" sabi ng asawa ko

"Opo Papa" at inabutan ko siya ng peanut butter sandwich din. Medyo mahaba ang biyahe kaya pinakain ko muna yung mga bata

Sinusubuan ko naman si Alden habang nagdrrive siya. Pamilyang Peanut Butter kami e HAHAHA

Sumulyap naman ako sa likod ko nakita kong nakatulog yung dalawa. Pagod sa school kaya nakatulog agad o nagmana lang ulit sakin sa pagka antukin? hahaha

Always and ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon