melovespearlneri [CHAPTER ELEVEN]

0 0 0
                                    

Chapter 11: Back to School

Ang saya! I sighed in relief. Mabuti na lang at nakapasok na ako kahapon. Kaya lang hindi pa rin nakakauwi si Dad. Pero masaya naman…kahit nag-iisa.

Nangangapa rin ako sa klase dahil sa rami ng absences ko. Kaya wala talaga akong time na malalaan sa ibang bagay.

Nabalitaan kong tapos na ang tournament at pangalawa lang sila Haters. Not bad. 

“Pearl…” may tumawag sa akin kaya ay napahinto ako sa paglalakad.

“Oh, Dave?” Nang lumingon ako ay siya lang pala iyon. Akala ko ‘yung kanina ko pa hinihintay.

“Sorry talaga, Pearl,” pagpaumanhin niya sa akin. “Naging busy ako sa pagpraktis dahil dito na ako pinapapraktis ng guro ko,” paghayag pa niya. Oo nga pala, ’yung guro na kapit-bahay ko ay may sakit kaya ay pinapapunta si Dave sa bahay nito. Seguro gumaling na ang nasabing guro.

“Okay lang,” tugon ko naman. Naiintindihan ko siya. Hindi naman niya ako priority. Ano ako, importante? H’wag na nga. Sasabihin ninyo na importante ang tao... Oo, wala na akong masasabi pa. Iba na nga lang. Ano ako, girlfriend? Hindi naman, ‘di ba? Sige, react kayo. Kaibigan niya seguro ako. Hindi natin alam. Baka? Seguro?

“Ang bait mo talaga,” nakangiti niyang saad.

“Wala ‘yun,” sulsul ko pa. “Basta ba galingan mo bukas,” ampalubag-loob ko sa kanya.

“Haha, ako pa,” natatawa niyang saad at kinindatan pa ako.

Nagtawanan na lang kaming nagpaalam upang pumasok sa kanya-kanyang klase.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon