Chapter 4: Haters
Sumapit ang tanghalian kaya abala ang lahat sa pagpila at pagbili sa canteen. Ako naman, umupo lang sa bench, sa lilim ng puno ng manga. Kinakain ko ang gawa kong pagkain kaninang umaga. Matipid kase akong tao, eh, kaya di ako bumibili sa canteen kung minsan. Kung mapadpad man ako doon, malamang mauubos ang dala kong pera dahil marami sa canteen ang mga piborito kong streetfoods.
Habang seryoso akong kumakain, may biglang tumawag sa pangalan ko na aking kinagulat.
“Justine!” sigaw nya, kaya napatunghay ako.
“Kunot noo, ah. Parang si Uncle ko na 'yan, ah,” patawa pa n'yang sabi habang ginugulo ang aking buhok.
“Anong kailangan mo?” Alam ko na 'yan, eh. Kapag patawa s'yang nagsasalita, may kailangan 'yan. Shempre kaibigan ko 'yang tandang 'yan mula bata pa.
“Umm. Penge, kumakalam na sikmura ko," paawa pa s'yang pumapahid-pahid sa t'yan.
“Ayan-”
"Ayan ka naman, eh. Kumain ka nga," ito sana ang mga katagang aking sasabihin ngunit namalayan ko nalang na nagsasandok na gamit ang aking kutsara at sinubo ang napakasarap kong ulam sa kanyang bibig. Napatili ako sa kilig sa ginawa nya, shempre sa loob loob lang. Pinapanatili ko ang composure ko, shempre.
“Ayan kase, kumain ka. Wag kang puro ki laro laro lang,” I continued educating him like what I'm supposed to say kanina kanina Lang.
He is Ivaker Pitogo, my childhood crush and a friend. He is a basketball player in our school. He was also the topnotcher last year. He got looks and figure, that's why he was titled Crush Ng Bayan.
“Hey, haters I have this question lingering inside my head.”
“Hmm?” he responded with the fork inside his mouth.
“Since you are the last year's top, I think you are the wri-”
“Ivan!”
"writer of the story titled, MAHAL KO NAWA'Y MAPANSIN MO AKO?" My words were taken aback by someone else's voice calling for Hater's name.
“Ivan, practice na natin. Dalian mo baka magalit si Coach,” patakbong lumapit ang kasamahan ni Haters sa basketball.
“Oo, nandito na!” Tarantang sinusubo ni Haters ang pagkain bago umalis. Matapos malunok ang pagkalaki-laking umbok ng pagkain sa kanyang bibig, may pahabol pa s'yang mga salita na ikinapula ko naman, “Ang sarap ng ulam mo! You'll make a good wife!” and then, he messed with my hair again.
May gusto siguro itong si Haters sa buhok ko, baka pakasal na sila bukas.
“Dalian mo, dre,” bagot na saad at pakalutkalot pa sa ulo itong kasamahan ni Haters.
“Oo na!” wala sa sariling sagot ni Haters dito na makikitaan ng pagkabugnot sa mukha nito.
“Bye, Haters!” pahabol pa n'yang kumakaway habang tumakbo papasok sa basketball court.
And there, I was left alone again.
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomThis is a compilation of short stories that were made by me. Usually, I write short stories for just only 5 chapters or less than that excluding the prologue and the epilogue and I was planning to make stories at a maximum of 20 chapters or maybe i...