melovespearlneri [EPILOGUE]

11 0 0
                                    

Epilogue

"Oh, bakit ka nandito?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Kanina ko pa siyang napapansin na kasama sa madla kanina noong hinahatid na si dad sa libingan. Ngayon niya lang seguro ako nilapitan dahil maraming tao ang nakikihalubilo sa akin kanina. Nang ako na lang ang natira sa libingan ng aking ama't ina ay saka niya lang ako nilapitan para seguro makausap ng masinsinan.

"Pearl, gusto ko lang na humingi ng tawad sa nagawa ko," saad niya sa akin. Nagsusumamo ang kanyang mga mata niya na parang kailangan ko pang patawarin siya.

"Bakit mo kase ginawang username ang pangalan ko? Hindi ka naman si Pearl Justine Neri, ah?"

"Mahal kita, Pearl," sabi niya sa akin bigla na nagpalaki sa aking mga mata.

"Mahal? That's ravish." I snorted and stared at him in disgust. "Don't you think it's just an infatuation or better yet an attraction? Hindi kaya, like lang?"

"Totoo, Pearl. Simula noong grade 7 na magkaklase tayo, unang kita pa lang ay nagandahan na ako sa iyo. Nang maglaon, hindi ko na namalayan na nahuhulog na ako, then eventually, nahulog na nga ako sa iyo."

"Pardon me, but I only looked for the owner of that account. And not to give my love to the owner," sabi ko sa kanya at nakita ko na namang lumuhod na siya. "Please, erase or change your username. H'wag ka na sanang magsulat ng username na gagamitin ang pangalan ng iba."

Nang matapos ko ang pagsasalita ng mga masasakit sa kanya ay tinitigan ko siya at pinakiramdaman kung magsasalita pa pero nanatili lang siyang nakayuko at pinapahiran ang kanyang mga mata. Ang iyakin naman niya.

"I'm sorry. Excuse me," nasabi ko na lang at naglakad papalayo sa kanya at papalabas ng simenteryo. Sana lang ibahin niya na ang username niya.

***
Nakahiga ako sa higaan ko sa isang kuwarto sa bahay ni ninong-maganda na ang ceiling ngayon dahil kanila ninong na ako nakatira-at kasalukuyan kong kinakalikot ang CP ko. Napadpad na lang ako sa Wattpad kaya nagbasa-basa lang ako roon. Bigla na lang nag-pop out ang isang kaluluwang sa aking isipan kaya ay pumunta ako sa search at i-type ang mga salitang ito.

MAHAL KO, NAWA'Y MAPANSIN MO AKO

Oo, ito ang kuwentong gawa ni Dave. S-in-earch ko ang kanyang kuwento dahil curious ako sa kanyang username. It had been two months since nailibing si dad at two months na din noong ni-reject ko siya.

I clicked his story at hinanap ko kung ano ang kanyang username niya.

Imjustine

Nang makita ko na ang username niya, nabitawan ko bigla ang aking CP at nanlaki ang aking mga mata. Napatakip ako sa aking bibig.

"Grabe siya!"

"Acceptance towards the truth means you are strong."

-outofwordtheater

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon