melovespearlneri [CHAPTER NINE]

1 0 0
                                    

Chapter 9: Visiting Friends [Narrator’s POV]

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang mag-amang may dalang dalawang malalaking basket na ang lulan nito ay iba’t ibang klase ng prutas.

“Pre,” nagsalita ang nakakatandang lalaki pagpasok palang nitong kumaway pa.

“Oy, pre! Nandito ka pala,” masiglang tugon ng ama ni Pearl habang nakatingin ditong lumilipat ng inuupuan patungo sa hinihigaan ni Pearl. “Umupo kayo sa upuan. Kaso nga lang isa lang ito hindi kayo kasya,” pagbibigay nito ng babala pagkatapos ang matiwasay na pag-upo sa gilid ng higaan.

“Okay lang ako, uncle. Dito nalang ako sa gilid,” sabat naman ni Ivaker.

“Ano ba talagang nangyari, p’re?” tanong ng lalaking halos kasing-edad lamang ng ama ni Pearl. Ang lalaking ito ay ang lalaking bumisita sa bahay nila Pearl upang mag-inuman at ginawa pang bartender ang kawawang bida.

“Iwan ko d’yan sa babaing 'yan. Bigla nalang sumasakit ng t'yan sa paaralan,” kibit-balikat na sagot ng ama ni Pearl.

“Sa paaralan pala,” bulong pa nitong patango-tango.

Nagising nalang si Pearl mula sa pagkakatulog. Marahan nitong binuksan ang mga mata't ang una n'yang natanaw ay si Ivaker na s'yang pinakamalapit at derikto itong makikita sa posisyon n'ya ngayon.

Napaigtad si Pearl sa gulat. “Anong ginagawa mo dito?!” Napalakas ang mga salita na lumabas sa bibig ni Pearl buhat ng malakas na kabog ng kanyang puso.

“Gising na si Justine, padz!” malakas na anunsyo ni Ivaker sa ama.

Napatingin ito sa gawi ni Pearl at inihinto ang pakikipag-usap kay Antonio, ama ni Pearl. “Mabuti!” komento nito.

Ngayo'y nakaupo na si Pearl sa higaan at nasa wastong uliran.

“Justine, magpagaling ka. Nandito lang si Ninong mo nakasupport lang sa'yo,” masiglang sabi ni Armando, ama ni Ivaker.

“Opo, naman!” masiglang sagot naman ni Pearl.

Ilang sandali pa'y nagpaalam na ang ama ni Ivaker upang pumasok sa trabaho, habang ang binata ay naiwang nakatayo sa giliran ni Pearl. Ang ama naman ni Pearl ay hinatid ang kaibigan hanggang sa labas ng ospital.

Habang wala pa ang ama ay tumatawang nag-uusap ng kung anu-ano sina Pearl at Ivaker na dahilan upang mapatingin ang mga tao sa loob ng ward sa lakas ng kanilang boses. Animo'y wala silang pakialam sa paligid at ang sarili lang nilang kasiyahan at kapakanan ang inuuna kahit natatapakan nila ang border line na nakapagpagising sa mga natutulog.

“Magkasintahan ba kayo, Inday?” biglang tanong ng isa sa mga pasyente na kasama ni Pearl sa ward. May edad na po ito at may maraming mga apo.

“Hi-hindi po!” madali’t mariing pagtanggi ni Pearl sa matanda.

“Magkaibigan po,” magalang na tugon ng lalaki.

Parang kumirot ang puso ni Pearl na marinig sa kanya nanggaling ang mga katagang iyon. Nalungkot bigla ang ating bida.

“Kay 'rami ka namang mga kaibigang lalaki, iha!” Napansin pala ng matanda na bumisita si Dave noong isang araw.

“A-ah! Oho!” sang-ayon nito.

“Lahat pa ng kasama mo ay lalaki. Sabihin mo nga, ako lang ba ang nakausap mo na babae?”

“Opo, parang ganoon na nga po.”

“What a strange woman,” she murmured.

After sometime, Pearl became better and went home afterwards.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon