Chapter 12: Daddy
Pagkatapos ng klase, pumunta na naman ako sa tambayan ko—sa lilim ng punong mangga. Umupo ako sa usual bench at kinuha ang dala kong baon.
“Oy, pagkain.”
Kumunot ang kilay ko. “H’wag mong kainin ang baon ko,” hasik ko at sinapak ang kamay niyang kumuha ng itlog. “Magpraktis ka na du’n!”
“Penge, kumakalam na ang sikmura ko,” paawa niya at hinaplos-haplos ang kanyang tiyan. Alam ko na ’yan, eh.
“Bawal,” sabi ko at inilayo sa kanyang ang baonan ko.
“Hindi mo ba ako papakainin?” Nag-pout na siya. Hindi bagay. Hindi siya cute.
“Ano sa tingin mo?” tanong kong may pang-uuyam.
“Nag-iba ka na, Justin. Hindi na ikaw ang kilala ko.” Nalungkot bigla ang kanyang mukha. Parang ang ngayon-ngayon lang na masayang ngiti niya ay napalitan ng kalungkutan.
“Ano naman ngayon?” Ikaw nga ’yung mang-iiwan. Sabi mo hindi makakauwi si Dad, pero hindi sinabi ang dahilan.
“Wala na kaming praktis, tapos na kase. Hindi mo man lang alam. Ganyan ka ba ka walang pake sa iba?” bulong niya pero narinig ko naman.
“Ang pinagsasabi mo?”
“Alam mo ba ang nangyari sa dad mo?” he returned my question with a question.
“Ano naman?”
“Nag-aagaw buhay ang dad mo, Justine!”
Du’n na ako natigilan. Nabulinan pa nga ako mabuti na lang may malapit na gripo ng tubig.
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomThis is a compilation of short stories that were made by me. Usually, I write short stories for just only 5 chapters or less than that excluding the prologue and the epilogue and I was planning to make stories at a maximum of 20 chapters or maybe i...