melovespearlneri [CHAPTER TWO]

25 0 0
                                    

Chapter 2: Mahal Ko

Kinabukasan, tapos na akong kumain, tapos na lahat lahat. 7 o’clock in the evening na, eh. Pwede na akong mag-CP.

“Dad, ‘yung CP.” Binigay naman ni Dad habang nanunuod ng boxing.

Isang oras lang kase akong pinapagamit ng CP ni papa, eh kaya wala akong kaalam alam sa mundo.

Nag-youtube ako. Nakinig ng nightcore. Nanood ng fashion show sa YouTube pa rin. Pero pina-fast forward ko para ma-minimize ang time na magagamit ko sa paggamit ng CP. 

Habang nanonood, nawala ako sa katinuan. Gumala na naman ang utak ko sa mundo ng imahinasyon.

“Hala ‘yung sa Wattpad!” naibulalas ko bigla nang may kunting galak at kiliti. At dahil sa ginawa kung ‘yon sa tingin ko narinig ‘yon ni Dad.

He faced me with his arched brows.

“Nothing, Dad.”

Salamat naman at ibinaling ni Dad ang tingin nya sa pinapanuod.
Naging masungit na kase si Dad matapos mawala si mama sa mundong ito. Sobrang strict pa.

“Huh! That was close,” Sabi ko sa loob loob ko.

I tap my wattpad app. I search for the username that I discover last night.

melovespearlneri

Ayon. Yey.
Cl-in-ick ko ‘yon.
“Nyehehehehe mang-i-stalk ako.”

“Stalker,” Sabi ng inner self ko.

Napatawa naman ako ng impit sa naisip. Impit akong tumawa sa kadahilanang baka magalit ‘yang si Dad.

May mga gawa s’yang stories ang dami. Madami kase more than one.

Cl-in-ick ko ang isa.

Wait, compilation ng mga tula?
Nakaka-curious talaga, eh.

“O, aking binibini? Ack? Sino naman ‘yan?” natanong ko na lang na reaksyon ko sa nasabing tula.

Haist, nakakadisapoint talaga, eh. Akala ko pa naman din makikita ko ang name ko sa mga tula. 5 lahat ang mga tula, pero wala akong makita ni bahid lang ng aking pangalan, wala.

Hehe, sa story kaya ako pupunta. May dalawang story doon. May 2 parts at 50 parts.

Sa 50 nalang ako para sigurado. Nyahahhaha

MAHAL KO, NAWA’Y MAPANSIN MO AKO

Woah, grabe lang ang title.

“Hmm, maganda naman ang Prologu-” natigil ang pakikipagusap ko kay inner self nang sinabi na ni Dad ang oh-so-famous line nya.

“Curfew mo na. Amina ang CP mo."

Sabi ko nga. ‘Yan na naman sya. Excited na akong magbasa, eh. ‘Di pa ako makakatulog. ‘Di ako pagod. Gising na gising pa nga ako, eh.

“Di pa—”

Not again plea—

“Enough,” He said in authority.

Haist. Kahit si inner self naputol din. Padabog akong naglakad patungo sa kwarto. Without caution, myself had fallen into a deep slumber.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon