One In A Million [CHAPTER ONE]

22 0 0
                                    

Chapter 1: Unwanted

"STOP!!"

"LADY HAZEL, WAKE UP!!" Nagising ang babae sa pag-aalog-alog sakanya ng yaya.

Umupo ang babae matapos mahimasmasan kunti.

"Haven't I told you that you should not scream to wake me up?" Iritadong pagsabi n'ya at mariing hinablot ang kanyang buhok upang ayusin.

"Ahh-" Hindi na n'ya binigyan ng pagkakataon ang yayang magsalita.

"One more thing, haven't I told you that you should not touch me in any means and in anywhere?" Turan n'yang hindi mawawalan ng pagkauyam dito, at patapong hinagis ang braso ng yaya.

"But-" Pinutol n'ya ang sasabihin sana ng yaya patungkol sa pagsigaw nito na kinagulantang ng yaya at alalang-alala para sakanya.

"Stop! And go out of my way. Out of my life!"

Malungkot na naglakad ang matandang yaya dahil hindi n'ya matulungan ang babae.

Samantalang ang babaing nagngangalang Hazel na ang mata ay hazel na masasabi nating dito kinuha Ang kanyang pangalan, napahilamos ang kanyang mga palad sa bagong gising na mukha at animo'y iritadong iritado.

•••
Pumasok s'ya sa paaralang nakatulala lang. Kung makikita n'yo s'ya, parang lalaki kung pumorma. Bagama't nasa kolehiyo ay masasabi nating pwede na s'ya magsuot ng checkered na mga damit at mga sapatos na kimamahalin.

Walang pumapansin sakanya. Walang nagtatanong kung bakit s'ya nakatulala. Pinagtitinginan, pero hindi s'ya malapi-lapitan. Walang lumalapit sakanya sa 'di mawaring kadahilanan. Sikat? Oo. Sikat na sikat na animo'y kahit ibang lungsod o siyudad na galing ang mag-aaral kilala s'ya. Takot ang mga ito sakanya kaya'y walang lumalapit pero bakit sila takot? Kahit ang ating bida ay 'di alam kung bakit ganon.

Wala namang kaibigang masasandalan kaya'y minabuti nalang n'yang umupo sa upuan sa likod ng silid-aralan upang magmumuni muni sa bukas na bintana na katabi ng upoan.

Habang nilalasap n'ya ang galak na nadarama sa nakikitang mga bulaklak, may nagsalita na kinagulantang n'ya.

"HAZEL NUTS!"

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon