Genre: Action, Romance
Language: TaglishPrologue
Tumulo ang luha ng babae sa nasaksihan. Maraming taong nakadapa at maraming dugo sa buong katawan ang bumungad sa kanyang mata.
Malapit ng nawalan ng malay ang mga taong ito pero narinig pa nila ang kasalukuyang sinabi ng isang tauhan, "Pinuno, papatayin na po ba ang mga nadakip?"
"Oo."
Lumaki ang mata ng babae dahil sa salitang sumasang-ayong sinabi ng pinuno. Nagtaka s'ya kung bakit ganon na kayang magpaslang ng inosenting tao 'yong mga taong 'yon.
Makikita mo s'yang nakaupo, tumutulo ang luha pero nakatulala.
Hindi n'ya mawari kung bakit sakanyang harapan pa unti-unting pinapatay ang mga nadakip. Naririnig din n'ya ang pagtawa ng pinuno na animo'y nasisiyahan sa pinapanood.
Bawat hagupit ng matalas na mga patalim sa mga biktima, tumatawa ng malakas ang pinuno nila.
Binti, balikat, paa, tuhod, puson, siko, kamay, hita, balakang, mga parte ng katawan ng mga biktima na dumudugo dahil sa unti-unting pagsaksak ng kutsilyo na animo'y pinaparamdam sa mga biktima ang pout at galit ng mga myembro ng grupo.
Ang patapos nilang ginagawa para mapatay ang mga biktima ay ang pagpugot ng ulo ng mga ito gamit ang mga matatalim na katana na galing pa sa ibang bansa.
Hindi na n'ya mapigilan ang sakit na kanyang dinadama sa nakita, kaya minabuti nalang n'yang sumigaw at sinabi ang salitang, "STOP!!"
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomThis is a compilation of short stories that were made by me. Usually, I write short stories for just only 5 chapters or less than that excluding the prologue and the epilogue and I was planning to make stories at a maximum of 20 chapters or maybe i...