Matapos ang engkwerto kahapon ay napagdisisyunan ko nalang na manatili sa loob ng kwarto ko at doon ko nalang pinagpatuloy ang naudlot na pagbabasa ko
Maya maya ay may kumatuk at may pumasok, naka talikud kasi ako sa pintuan habang kaharap kunaman ang isang malapad na bintana na gawa sa salamin
Ramdam ko ang kakaibang aura, malakas at alam ko kung sino ang nandirito.
Aakmang pipihit na sana ako paharap ngunit nabigla ako noong humiga ito sa aking kama at biglang nag salita.
"Ako na ang humihingi ng pasensya sa kagaspangan ng ugali ng aking kapatid Pae" malungkot na pahayag nito habang ang paningin ay nasa kisame .
"Pero di ko po pinapangakong hindi ko sya lalabanan kapag sinaktan na nya ako in physical " pagkatotoo kong sagut, dahil ako ang nakakaalam kung hanggang saan ang kaya kong pag pipigil
"Naintindihan ko" malungkot namang sagut nito
"Ano nga po pala ang maipaglilingkod ko sayo mahal na prinsesa" magalang na tanung ko dito, habang prenting nakaupo sa swivel chair, pilit tinatago ang emosyong nais ko syang yakapin ng mahigpit
"Cut the formality Pae, lahat tayo dito pantay pantay, at tungkol sa tanung mo, gusto ko lang makipagkwentuhan sayo" kaswal nitong sabi.
Pero ako ito nag pipigil. Ewan ko ba para akong hayuk na lalaki na gusto makalingkis .
"Makipag kwentuhan sa'kin?" pormal kong tanung dito ...half gulat half expected
"To know you better...I think"
"To know me? bakit naman? isa lang naman akong ordinaryong nilalang sa mundong to, walang special sakin " takang tanung ko dito.
Sana lahat special.
Bumangon ito mula sa pagkakahiga sa aking kama at umupo at humarap saakin
"Hindi ka ordinaryong nilalang sa mundong to Pae, lahat ng nilalang dito ay may angking kapangyarihan na syang special sa kagaya natin, ang hindi ko lang lubos maintindihan ay kung bakit nagkaganun ang aking kapatid at akoy naguguluhan din sa aking pakiramdam sa kanya, pakiramdam ko'y hindi sya ang aking kapatid, na isa lamang syang impostura" pag k-kwento nito.
"Alam mo ba yung lukso ng dugo na sinasabi nila? yung bang nararamdaman mong kapatid mo talaga sya dahil sa excitement na iyung nadarama? yung galak sa puso dahil sa wakas kompleto na kaming pamilya pero bakit ganun, hindi ko madarama, gaya padin noon na palaging may kulang " dagdag pa nya.
I felt sad.
Andito lang ako teh sa tabi tabi , ganyan din po yung nararamdamang lungkot ng aking puso, na sana ngayon ay malaya kuna kayong nakakayakap at nakakasama pero hindi pa pwedi.
"Wag ka pong mag isip ng ganyan mahal na prinsesa, siguro ay naninibago kalang kaya ganyan ang pakiramdam mo" pampalubag loob ko dito kahit papaanu ay maging maayus din ang pakiramdam nito kahit nangungulila padin sya sa kanyang kapatid.
na lintik na walang iba kundi ako lang din
"Sana ganun nga Pae, dahil alam kung mali tong nararamdaman ko , dahil pakiramdam ko ikaw talaga iyung kapatid ko at hindi sya " dahil sa mga salitang iyun ..
Muntik ng tumigil ang mundo ko, ganun ba yun, yung tinatawag nilang lukso ng dugo?
Ang legit naman.
"P-Po? m-malabong m-mangyari ho yun, malabong malabo" muntikan kunang masampal ang sarili kong bibig dahil sa pag kautal ko.
Nagpapahalata ehy?
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS
FantasyThis is a work of fiction names , places , word meaning characters events and encident are either the product of author imagination . Any resemblances to actual persons living or dead or actual events are purely coincedence