CHAPTER 10

13 0 0
                                    

Samantha pov**

Isang buwan at 2 linggo na akong nakakulong sa lugar na kung saan di ko alam kung saang lupalop ng Terabithia ito, minsan nga sinubukan kong tumakas pero sana pala ay hindi ko na sinuway ang utos nya dahil muntik na akong naging hapunan ng mga lobo buti nalang at sinagip ako ni beast

Matapos nun ay di na ulit ako sumubok pang tamukas pa, naging mabait ako sa lahat na isinumpang bagay, base sa narinig ko na dating mga kwento ....

May prinsipe daw na isinumpa noon dahil sa inasal nya sa diwata ng kagubatan na nagpanggap na isang matanda, kanya itong pinahiya dahil ninais daw itong makipagsayaw sa prinsipe , at dahil walang galang ang prinsipe kanya itong pinahiya at hanggang don lang ang alam ko sa kwento

Pero bakit sa lahat ng mga prinsesa sa mundo ay bakit ako pa ang napili? Bakit saakin pa itinadhana ang prinsipeng isinumpa?
Ang kapalaran nga naman oh ...

Nakita na kaya si Madi? Mabait ba sya? Di ba sya galit kay ina at ama? Sana maintindihan mo Madi na ang rason ng pag iwan sa iyo ni ina ay para din sa kaligtasan mo ....

"Gabi na't nasa labas ka parin " wala aa oras akong napalingon sa likuran ko , buong araw na hindi ko sya na kita dahil maghapun din akong nakatambay sa rest house na sentro ang pagsikat ng araw at buwan

"Nasa labas kadin naman at gabi na " may halong pang iinis kong sabi sabay irap sa kanya ...nagtagisan naman ang mga pangil nya at sumumpong ang kilay nya

"Nakalimutan mu na ba ang sinabi kong hanggang 7lang ng gabi ang iyong kalayaan na tumambay dito sa labas?" Matigas at may awturidad nyang sabi , pero di ako padadaig prinsesa kaya ito ng Terabithia , may kapangyarihan ng apoy at hangin ...

"Nakalimutan mo na din ba na di ako sumang ayun sa sinabi mo?" Taas kabilang kilay kong sabi (bitch mode)

"Ako ba'y iyong sinusubok binini? " galit na tanung nya at umabante papunta saakin , ako naman ang umatras ng umatras

"Ikaw ba'y napapalaban HALIMAW?" Taas noo kong sabi at diniinan ang word na halimaw para may impact , pero wrong move ata

Dahil.....

Wala na akong maatrasan at nasa 3rd floor ako ng rest house at alam nyo ba ang babagsakan ko?

Isang balong malalim lang naman na di mo na makita ang ilalim sa subrang dilim ....

"Handa ka na bang mamatay binibini?"nang aasar na tanung nya habang papalapit saakin

"Wag kang lalapit ....ang pangit mo!! Ang baho mo pa!!!" Parang batang sigaw ko , na mas lalong napag pagalit sa kanya , shitt...im dead

"Paanu kong lalapit ako?...mahuhulog ka't lalapain ng mga oso sa ilalim ng bangin " mapaglarong sabi nya pero parang nalantang gulay ang mga tuhod ko matapos kong marinig ang huli nyang sinabi ...nooo hindi totoo yun , matagal na silang wala , pinagluluko ka lang nyan Sam ....

"O-Oso? Ako bay pinagluluko mo? Wala ng oso sa panahon ngayon dahil matagal na silang pinaslang " galit na sigaw ko sa kanya pero sa kailaliman ko natatakot ako , nakakatakot kasi ang mga oso nangangain ng tao

"Paanu kung meron ? At ito tandaan mo SAMANTHA hanggat nabubuhay ang kanilang amo hindi sila mapapahamak roaaaaaaaarrrrrrr " makahulugang sabi nya sabay talon sa harapan ko kaya nabigla ako at dumulas ang kabila kong paa sa gilid ng semento at nahulog ako

"Ahhhhhhh shitt halimaw ka !!! Tulungan mo ko!!!" Sigaw ko pero ngumisi lang ang halimaw ng nakita ko sya at hindi ko na sya nasilayan pa dahil nilamon na ako ng dilim ...dilim ng bangin

THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon