CHAPTER 14

12 0 0
                                    

4.7k words
Enjoy reading
__________________________

Someone pov***

Tahimik na naghahapunan ang dalawa habang nagtutugtug ng mag isa ang piano, at masaya din silang pinagmamasdan ng mga kagamitan na may mga mukha dahil sa isinumpa ito

Dalawang buwan na sya nitong bihag at sa dalawang buwan na magkasama sila, dun unti unting nahuhulog ang puso nya sa halimaw pero nagpapanggap parin syang galit at inis sa halimaw

"Gusto ko ng umuwi" basag ni Samantha sa katahimikang nakalukob sa kanila, tiningnan lang sya ng walang emosyong mukha ng na nasa harapan nya bago bumalik ulit ang atensyon nya sa pagkaing nasa harapan nya...biglang umigting ang panga ng dalaga sa inakto nito

"Bingi kaba? Sabi ko . GUSTO.KO.NG.UMUWI!"  Galit na sigaw ng dalaga at winahing ang nasa harapan nya na naglikha ng ingay na nagmula sa pinggang nabasag at iba pa, tumayo ang halimaw at walang imik na umalis ito sa harapan nya at sa inis nya pinulot nya ang kutsilyo at binato ito sa nakatalikod ng halimaw pero biglang humarap ang halimaw at sinalo ang kutsilyong bumubulosok papunta sa kanya

"Hindi ka aalis at di ka makakauwi !!" Sigaw nito sa kanya at tuluyan ng tumalikod ito sa kanya

Naiinis sya at sagad na sagad na ang pasensya nya dito dahil sa pagkukulong nito sa kanya ng ilang buwan at mas lalo syang nainis dahil wala syang magamit na kapangyarihan upang alisin ang sumpa na nakapaloob sa halimaw ...

"Di mo ko pweding ikulong dito habang buhay! May pamilya akong dapat protektahan at kailangan ko pang hanapin ang kapatid ko! Marami akong tungkulin na naka atang sa balikat ko kaya wag mo ng dagdagan pa! Kaya ilabas mo ko dito!" Sumbat nya dito ng maabutan nya ito sa ikatlong palapag ng palasyo ng habulin nya ito kanina, bigla itong humarap sa kanya at bumungad sa kanya ang nakakatakot na mga mata

"Hindi. Ka. Aalis!!" Bulyaw nito sa kanya habang nanlilisik ang mata nito sa kanya , bigla namang nakaramdam ng takot ang dalaga kaya napatungo sya at hinarap ang paanan at isa isang naglaglagan ang mga luha nya ...ugali nya ang umiyak kapag punong puno na sya , dinadaan nalang nya sa iyak ang kanyang galit upang mailabas ito at kahit papaanu ay naiibsan ito

"Di kita matutulungang makalaya sa sumpa dahil di mo ko mapapaibig, hindi ako ang prinsesa na makapagpalaya sayo kaya pakawalan mo na ako " pinipilit nyang hindi humagulhol sa iyak habang nagsasalita sya kahit na basang basa ng luha at pawis ang mukha nya , naramdaman nalang nya ang mabalahibong kamay ng halimaw sa baba nya at pinaharap sya nito sa kanya , dun sumalubong sa kanya ang mata ng halimaw na biglang lumambot at mahihikinita mo dito ang pagkaawa

He sigh...

"Sige papayagan na kitang umalis pero hindi pa ngayon ."malumanay nitong sabi, na syang kinaliwanag ng mukha ng dalaga at unti unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nya na syang dahilan ng pagtigil ng paghinga  at paghurumentado ng puso ng halimaw na kaharap nya

"Bakit di pa ngayon?" Excited nitong tanung sa halimaw na di alintana ang ngiting pinapakita nito sa halimaw na sya namang nakatulala padin sa kanya pero ng lumaon ay naka bawi din

"May kailangan pa akong subukan, isang buwan ...bigyan moko ng isang buwan at kung di ko padin makuha ang sagot mo papakawalan na kita " paniniguro nito sa dalaga na kinakunot ng noo ng dalaga

"S-sagot ko? Anung ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanung ng dalaga dito , hinawakan sya ng halimaw sa dalawa nyang kamay at di man lang umangal ang dalaga ...dahil siguro sa hindi ito sya kanyang ipahamak kahit masungit sya sa halimaw

THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon