CHAPTER 18

10 1 0
                                    

Third person's pov***

Maagang naggayak sina Samantha at Tyrone upang bumalik sa tahanan ni Samantha gamit ang isang kalisa na hila hila ng dalawang kabayong may pakpak

"Matulog ka na muna mahal ko at mahaba haba pa ang ating lalakbayin " malambing na turan ni Tyrone sa kasintahan na nakanguso lang tumitingin sa mga ulap na nadadaanan nila

"Sige ...inaantok na din kasi ako eh " parang batang sagot naman ni Samantha kay Tyrone at inihilig nya ang kanyang ulo sa balikan ng kasintahan

Di nagtagal ay nilamon na ng antok ang buong sistema ni Samantha at tuluyan na itong nakatulog, pero nagising sya sa hindi inaasahan , may isang tinig na nagpukaw sa natutulog nyang diwa , boses na nagpayanig sa puso nyang tahimik na pumipintig ,dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa harapan nya ang isang dalagang babae, may kabataan ito keysa sa kanya

Kagaya nya maputi ito at may natural na rosang pisngi, matangos ang ilong at mapulang maliit na labi, may itim na itim na buhok at karamel na mga mata ngumingiti sa kanya habang tumatakbo

At habang tumatakbo ito ay umiiba ng umiiba ang kulay ng buhok nito ganun din ang mga mata nito , ang dating itim na buhok nito ay naging puti na at rainbow na din ang kanyang kulay karamel na mga mata pero nabigla nalang sya ng may biglang lumitaw na terabytors sa unahan ng dalaga at inabangan ang dalagang nakatingin sa gawi nya at ngumingiti , imbis na gantihan nya ito ng ngiti ay iritasyos ang tanging nagawa nya , lalo na ng makita nyang lumabas ng patalim ang terabytors at hinihintay nalang ang dalaga na makarating sa kinaroroonan nila

"Wag kang tumakbo dyan!" Natataranta na sya , gusto nya itong habulin at pigilan pero di man lang makaalis si Samantha sa kinaroroonan nya

Malapit na ang dalagang kahawig nya at gaya kanina tumatakbo padin ito at ngumingiti sa kanya hanggang sa magsalita ito na naging dahilan ng pagtigil ng mundo nya pero huli na dahil nakatarak na ang patalin sa likuran ng dalaga , ang kaninang ngiti nito sa labi ay nauwi sa ngiwi dahil sa sakit

"Wag mo syang patayin!!!"sigaw nI Samantha dahilan upang makawala ito gamit ang kapangyarihan nyang yello , nagulat pa sya sa una dahil sa paglitaw ng kapangyarihan nya pero nabalik din sya agad ng aakmang itatarak na ng isang terabytors ang espada sa dalaga mabuti nalang at natapunan nya agad ito ng ice blade dahilan ng pagkalagut ng hininga ng mga terabytors

"A-ate"nakangiting bungad sa kanya ng dalaga bago nawalan na ito ng malay , halos matulos naman sa kinatatayuan si Samantha ng marinig nya ulit ang katagang iyon.

Hindi sya nagpatinag hanggat di nya nakikita ang palatandaan na ito talaga ang tunay nyang kapatid , dali dali nyang itinaas ang tshirt ng dalaga at sinipat ang tagiliran nito. Nabigla sya sa kanyang nakita at nagpamalahaw ito sa iyak

"Samantha gising !! Nanaginip kananaman!" Pawis na pawis syang napabalikwas dahil sa sigaw na yun , bumungad sa kanyang harapan ang nag aalalang mukha ng kasintahan

"Ang kapatid ko Ty " umiiyak na turan nya dito, inalo naman sya ng kasintahan at pinatahan at ng lumaon ay natulugan nanaman ito buhat ng masyadong pag iyak

_____________________________

Pae pov***

Nag aalipapasa akong naligo at naghanda sa pamamasyal namin mamaya ni Mrs. Joyland, pagkatapos kong mag ayus ay nagteleport na ako papuntang likurang bahagi ng academy at sa di kalayuan ay may naaninag na akong bulto ng katawan ng tao

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nya at dun nalang ang pagkabigla ko ng hindi si Mrs. Joyland ang nandoon at di din babae kundi isang lalakI at kasalukuyang ngumingiti ito saakin

THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon