CHAPTER 21

7 0 0
                                    

Fina's pov■■■

"Di ko kere yang ugali ni Alexa, kung umasta akala mo di prinsesa"nang gagalaiting sabi ni Timber

"Kung makadikit kay Zach dinaig pa ang linta sa subrang dikit" gatong naman ng kakambal nyang si Xyra , walang duda magkambal nga ...partner in crime , pero ramdam kong kaming tatlo lang ang nakakaramdam ng di gusto sa prinsesa samantalang tuwang tuwa naman ang iba 

Kasalukung nililibut namin sa palasyo ang prinsesa at kagaya ng sinabi ng dalawa kanina si Zach ang pinaka scort nito halos di na nga bitawan parang nakaglue na di na sila magkahiwalay at itong si Zach naman gustong gusto naman ang ginawa ni Alexa sa kanya akala mo walang Pae na nagmamay ari sa kanya

Hay kung sana ay nandito lang si Pae nunkang magdidikit yang si Zach sa malanding linta na yan

Makalipas ang limang oras na paglilibut sa palasyo andito na kami ngayun sa hapag kainan mismo sa palasyo din kasama si Samantha at hari at reyna

"Anung gusto mong kainin Zach?" Malambing na tanung ni Alexa kay Zach na syang kinairap ng mga mata ng kambal

"Ako nalang" malamig na turan ni Zach at sya na mismo ang kumuha ng pagkain nya at tahimik na kumain , di din nakaligtas ang pilit na ngiti ni Alexa

Pero ang sumunod na eksena ang nagpayanig sa buong silid

"Ina bakit wala ang paborito ko dito?" Galit na tanung ni alexa sa reyna na kinatigil naman ng reyna sa pagkain at nahiyang ngumiti kay Alexa

"Uhmmm anak nakalimutan kong sabihin sa kusinera" nag aalinlangang sabi ng reyna

"Ina naman ih ...ilang ulit ko kayang sinabi yun sayo napaka malimutin mo talaga " nagdadabog at galit na sabi nito sa reyna na syang kinalaki ng mga mata nito , kagaya ng reyna gulat din kami sa iniasta ng prinsesa

"Alicia!!" Saway ng hari, pero di nagpatinag si Alexa at umirap lang ito

"Totoo naman Ama ah ...matanda na kasi yang si Ina kaya malilimutin na!" Galit na sigaw ni Alexa,  kami naman ay tahimik lang na nunuod sa kanya si Samantha naman ay halos sasabug na sa galit

"Nasa harap ka ng pagkain at may bisita di kaba nahihiya Alicia?" Nagtitimping suway ni Samantha sa kapatid pero hindi padin ito nakinig at tinulak ang pinggang para sakanya papunta sa Ina na wala pading imik

"Bakit naman ako mahiya ate? Bisita lang naman sila at ako ang makapangyarihang prinsesa kaya walang dapat ikahiya ! Mas kakahiyan ang pagiging malimutin diba Ina?"nagmamataas na Alexa at tumayu pa ito at tinuro turo ang reyna na tahimik na ngayung umiiyak...

"Hindi Alicia....sa pinapakita mong yan, mas nakakahiya ka! Parang hindi ka prinsesa"hindi na nakapagtimpi pa si Samantha at tumayu din ito at tinuro turo din ang kapatid 

"Manners Alicia!!! She's still your mother show some respect!... Samantha tama na" umalingaw ngaw ang boses ng hari sa buong silid habang inaalo ang reyna, naupo naman si Samantha at pinagpatuloy ang pagkain

"Wala akong ganang kumain matutulog muna ako" supladang turan ni Alexa at padabog na umalis sa silid

Gosh I felt like I'm dreaming....

Dinig kong bulong ni Xyra, ng tiningnan ko ito ay nakahawak pa ang dalawang kamay sa pisngi

"Pagsensyahan nyu na si Alicia" hinging paumanhin ng reyna habang pinupunasan ang luha, namumula ang mga mata pati pisngi at ilong nito

Hay kung alam nyu lang sana ang totoo hindi sana magiging ganito ....

Matapos naming kumain ay pinag panatili pa kami ni Samantha sandali at ito kami ngayun sa garden ng reyna, kaming tatlo ay nasa lilim ng malaking puno ng mangga at ang iba naman ay nasa damuhan nakaupo

THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon