CHAPTER 26

5 1 0
                                    

ZACH Pov***

"Baby where have you been kanina pa kita hinahanap" matinis at masarap tustahin na bungad saakin ni Alexa

Lihim na napa igting ang aking mga panga ng yakapin ako nito.

Kung alam ko lang noon palang na isa kapalang espeya matagal na kitang pinaslang, malaya na sana akong nakakasama ngayon ng aking mahal.

Hindi ko sana sya nasasaktan ngayon.

"Are you ok? may masakit ba sayo?" maarteng tanung nito saakin at sinalat ang noo ko at leeg

"Wala kanamang fever ok ka lang ba ha? baby?" takang saad nito

Inis na inis ako, ang arte arte nya hindi talaga sya yung tipo kong babae, nakakabasag eardrums ang boses sa subrang arte, nakakasugat ang mga daliri sa subrang haba ng mga kuku.

Paano kaya ito nag huhugas ng mga private parts ng katawan nya, three inches ang haba ba naman.

"Why you didn't talking baby?" nakakabanas talaga ng boses nito, hindi ko ma wari na tumagal ako ng pakikisama sa kanya ng ilang buwan.

Kung alam ko lang talaga na espeya sya simula palang ako na ang pumatay sa kanya.

"Don't touch me and let go of me!" bulyaw ko dito at nilayasan sya

Dinig ko pang tinawag nya ako bago ako pumasok sa sarili kong kwarto, kakainis.

Bumuntong hininga ako at nagdive sa aking kama at tulalang nakatitig sa kisame

Sana walang masamang mangyari sa full moon, tatlong araw nalang lilitaw na ang bilog na bwan at lahat ng mga studyante ng Terabithia ay naghahanda na at kanya kanya ng isip Kung papaanu nila mapo-protektahan ang sarili nila.

Ganun din sa nasasakupan ng aking pamilya, naghahanda nadin sila Ama at Ina upang maprotektahan ang mga nilalang na mapayapang naninirahan doon, ganun din sa ibang kaharian.

Paano pa kaya kapag lumabas na ang dead moon, tiyak na madugong labanan iyun.

Hasytt...

Bumangun nalang ako at nagteleport papuntang evacuation shelter Kung saan abala ang mga elders sa pag gawa ng higit sampong libong shelter sa mga mamamayang nasasakupan ng Shawneers at mga studyanteng naririto sa Terabithia.

Siguro ay ganito din ang ginagawa ng mga elders na nasa kaharian namin, dinig ko kasing nag pulong-pulong sila ama't ina sa kaharian ng mga Shawneers at ito marahil ang pinag usapan nila.

Tumulong na din akong mag cast ng spell upang makatulong bumuo ng shelter.

Pagkatapos kong gumawa ng shelter through spell ay bigla kong nasumpungan ang isa sa mga elders.

"I'm Glad that you are here fire prince, thanks for your presence " it's Mr. Jackson the great hand to hand teacher.

Ayaw na ayaw ko sa presensya nya minsan nga napagdududahan ko syang kasapi ng mga Terabytes, pero hindi ko iyon mapatunayan dahil hindi ko naman ito nahuhuli.

Karamihan na studyante dito sa Terabithia gustung gusto sya dahil nga magaling sya sa hand to hand fighting maliban kay Mrs. Joyland

Pero hindi ko naman mapilit ang sarili ko na magustuhan si Mr. Jackson as a teacher basta hindi ko talaga gusto ang presensya nya kaya tumango lang ako nilampasan sya.

Then Mrs. Joyland together with Mr. Ambrosio her husband came.

I Greeted them and they greet me back.

Tuloy tuloy lang ang pag cast ko ng spell to build a shelter hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na nanghihina na, siguro ay dahil naka limangpu mahigit ang nagawa kong shelter.

THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon