Pae pov***
Nagising ako sa lugar na kung saan maraming nagliliparan , maraming puno na makapal ng nilulumot pero ang ganda nya pading tingnan , maya maya ay may nahagip akong namumukod tanging puno nasa gitna sya ng napakalawak na kulay berding lupain , hindi ito mataas kaya kitang kita mo talaga kung gaanu ito kagandang puno ....perfect tree
Tinakbu ko ito upang makarating ako dun , hinihingal ako ng makarating ako mismo sa puno at tiningala ito , ganun nalang ang pagkamangha ko ng imbis na apple or orange ang bunga nito ay mga gold, emerald, rubi, sapphire lahat ng mahiwagang bato ang bunga nito
'Pae...'
Nagpalinga linga ako dahil may tinig na tumawag ng pangalan ko subalit wala naman kaya umupo ako at humiga sa lilim ng puno at ipinikit ang mga mata ko
'Pae gising...'
Napamulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses at tumambad saakin ang mukha ng matagal ko ng hinahanap
'Ate Dos?'
Natutuwa kong tanung tapos ay dinakma ko sya ng yakap mahigpit na mahigpit na yakap
'Ako nga Pae'
Sagot ni ate habang gumaganti ng yakap
'Bakit ganyan ang mukha mo ate Dos ? Asan tayo? Bakit nyo po ako iniwan? Gusto ko na pong umuwi'
Takang tanung ko dahil may korona sya na may red na pendant then gold na ang nakapalibot , sunod sunod ko syang tinanung
'Shhh wag kang umiyak Pae..nasa kaharian ka ng Zotopia at wag kang mag alala maayus din ang lahat'
Sabi nito at pinapatahan din, akala ko di ako umiiyak yun pala ay umiiyak na ako ng di ko manlang namamalayan
'Ate sumama ka saakin sa Academy para magkasama na ulit tayo'
Pagsusumamo ko pero umiiling lang ito at ngumiti, ang ganda nya di ko akalaing may igaganda pa ang ate ko
'Hindi maari yun Pae hindi ako pweding makita ng mga nilalang na ng dun pero wag kang mag alala babantayan kita kahit nasa malayo ka'
Pagdadahilan nito pero kahit ganun ay di padin mawawala ang pagmamahal ko sa kanya bilang ate , the best kaya sya
'Ate bakit di ka pweding makita nila ? Anu kaba dito at bakit ang dami mong alam sa lugar na to ate?'
Takang tanung ko pero ayun nanaman ang ngiti nya tapos ay may kinuha syang kwentas na may pendant na flower pero bawat petals nito ay iba iba ang kulay then sa gitna ang white color
'Here...suot suot mo yan nung nakita kita nung sanggol kapa , ingatan mo sya, magiging daan yan upang makilala ang tunay mong mga magulang ...mag iingat ka palagi Pae'
Umiiyak na tinanggap ko ito , anu namang connection nito sa tunay kong mga magulang , naguguluhan ako di ko alam ang gagawin ko
'Ate anu ba talaga ang nangyayari?'
Naguguluhang tanung ko dito habang umiiyak, nakangiti lang itong nakatitig saakin
'Soon malalaman mo din ang lahat sa ngayon kailangan mo ng gumising Pae...paalam'
Nakangiti nitong sabi pero nagpupumiglas ako , pero wala din ang nagawa dahil sa isang kumpas lang ng kamay nya ay naglaho na ito
"Noo way ateeee!!!" Napabangon ako sa subrang pagpigil kay ate pero napahiga din agad ng mapagtantong panaginip lang pala iyon
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS
FantasyThis is a work of fiction names , places , word meaning characters events and encident are either the product of author imagination . Any resemblances to actual persons living or dead or actual events are purely coincedence