CHAPTER 23

9 0 0
                                    

Pae/Ezra Pov▪︎▪︎▪︎

"Atlast nagising kana din" bungad saakin ni Fina, uminat inat pa ako dahil feeling ko ang tagal kong natulog.

Napatigil ang pag inat ko ng mapansing wala na kami sa circle, wala na sa madahong lugar kundi nandito na kami mismo sa aming tinutuluyan, sa Academy

"Bakit? P-paanung?" takang tanung ko kila ate Fina , and oh!! nandito din si Timbre and Zyra.

"Hayst may sakit kaba at palagi kanalang natutulog bigla ha? Hindi lang dalawang araw yang tulog mo kundi lima! LIMA ! hindi isa!" sarkasmong sabat ni Timber

"Limang araw? seryuso? " Gulat na tanung ko sa kanila, tumango naman si Zyra habang humahaba ang nguso

"Nagdadrugs kaba ha Pae? Tinalo mo pa si Alexa kung matulug ha? kami nga dalawang araw lang nawalan ng ulirat tapos ikaw ang haba haba , ilan ba nakita mong guardian ha?" parang nanay na tanung ni Timber

"Gaga hindi ako nagdadrugs, at hindi ko na kasalan kong Limang araw at gabe ako nawalan ng malay ok?" sabat ku naman dito, kaluka natulog lang ng Limang araw at gabe Nagdadrugs na kaagad?

"Pinahirapan kaba ng guardian mo?" malumanay na tanung ni Zyra, mabuti pa to hindi highblood kung magtanung, di tulad ng kakambal nyang palaging highblood.

"Syempre hindi , ang babait kaya nila!" maktol ko, kainis kagigising ko lang eh.

"Nila?" takang tanung ni Timber, nakakaluka ang daming tanung ha!

"Oo ,sila Rusty , Rainbow, Misty, Snires, Apo at Violet " irita kong sabi at babangun na sana ng magising ang diwa ko sa tanung ni Timber

"Anim ang guardians mo?" takang tanung nito saakin , pati si Zyra ay nagulat din , si ate Fina naman ay parang normal lang ang kanyang nadinig.

"H-ha? m-may s-sinabi ba a-ako?" nabitin ang pagtayo ko at pinagpawisan ako bigla , lintik naman oh! ang tabil kung dila!!!

"OO!!" sabay na sabi ng kambal, tumingin ako kay ate Fina na may paawa sa mukha, ngumiti lang ito saakin.

"Matagal ko ng alam Pae, wala kang dapat na itago saakin, at kayung dalawa yang mga bibig nyo itikum nyo nyan dahil kong hindi malilintikan kayung dalawa saakin " pangiti ngiting sabi ni ate Fina , na mas lalong kinagulat ng dalawa

"Anu bang alam mo na hindi namin alam Fina?" naguguluhang tanung ni Timber, napaupo ako ulit sa kama at umiling iling , hindi dapat at hindi pa oras upang malaman nila ....

THE LONG LOST POWERFUL GODDESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon