Chapter 19

163 8 1
                                    

Chapter 19

Death

Napakagwapo niyang matulog. Ngayon ko lang siyang makitang natutulog. Hinawakan ko ang pisngi niya, ang ilong niya at ang labi niya. Napangiti ako dahil nasa tabi ko lang siya. Hahalikan ko sana siya nang biglang nagmulat siya nang mata at nakangiti ito. Mabilis niya akong hinalikan sa labi.

“Good Morning.”

“Good Morning.”

“Ayoko munang pumasok tayo okay? Sosolohin muna kita ngayon.”nakangiti akong tumango. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya.

After that, siya ang nagluto ng breakfast naming dalawa. Ayoko din pumasok at okay na ako sa tabi ng lalaki ito. Okay na ako pagkasama ko siya.

Nakapagdesisyon na ako natitigilan ko na. Hindi ko na papakialaman si Nathalia at Ethan at sila. Tama na ang paghihiganti. Tama na ang operations. Ayokong makita ulit na lumuhod sila Cale, Mama at Ate sa harapan ko at hindi ko na hihintayin na lahat ng importante sa akin ay lumuhod para tumigil ako. At hindi ko na hihintayin na iwan nila ako para lang tumigil ako. Habang andito pa sila sa tabi ko titigil na ako.

Nanonood lang kami nang movies sa sala at kumain lang kami ng kumain. Pinakita ko sa kanya yung mga picture ko nong bata at sobrang tuwang tuwa siya. Pinakita ko din si Tata sa kanya at kwenento ang friendship namin ni Tata sa kanya at sobrang saya niya na kahit ganun lang daw ay kilalang kilala na niya si Tata.

“Ipapakilala kita kay Tata.”Sumang ayon siya sa akin.

Ngayon ay pabyahe na kami sa puntod ni Tata. Pagdating namin doon ay nilapag ko ang bulaklak na binili namin at sinindihan ang kandali. Umupo naman kami sa damuhan at tinitigan ang lapida niya.

“Tata gusto kong makilala mo si Cale. Siya yung boyfriend ko at siya ang nagpapasaya sa akin. Kwenento kita sa kanya at sobrang tuwa niya na may kaibigan akong kagaya mo.”tsaka ako ngumiti kay Cale.

“Hi Tata. Ako si Cale, boyfriend ni Megan. Gusto kong malaman mo na hindi ko sasaktan ang bestfriend mo at aalagan ko siya ng buong puso. Napakasimple at napakatapang niya, hangang hanga ako sa kanya. Gusto kong malaman mo na naghiganti ang bestfriend mo pero ngayon napigilan ko na siya, napigilan namin siya nila Tita at Ate Andrella. At gusto kong malaman mo yan at sana matuwa ka. Iingatan ko siya at pati ang kwintas na iniwan mo sa kanya. Gusto ko ding malaman mo na mahal na mahal ko ang bestfriend mo. She’s my future and I’m going to marry her soon.”napangiti ako at ganun din siya. I intertwined our hand and lend my head on his shoulder.

“Tata sabi mo sa akin sa letter na gusto mong ipakilala ko yung taong magugustuhan ako no matter who I am. Yung lalaking magpapasaya sa akin, yung mahahalin ako endlessly, yung tatanggapin ako maging sino man ako at yung lalaking hindi aalis sa tabi ko kahit anong mangyari. So Cale, I love you. I love you very much.”nagulat siya sa sinabi ko. “I already said I love you to him Tata. Nahanap ko na yung lalaking sinasabi mo. Sabi mo pa sa akin na hanapin ko yung lalaking ayaw niya ng ‘too’. Si Cale ayaw niya yun. Ayaw niyang prinepressure akong sumagot ng ‘I like you’o ‘I love you’. Sabi niya sa akin na maghihintay siya na sabihin ko yun. He deserved my I love you because I know that he’s the right man for me. I love him so much.”nakatingin lang ako sa kanya at may tumulong luha sa kanyang pisngi. “I love him no matter what. I’ll do my very best to be the right girl for him. I’ll love him endlessly, I’ll make him happy, I’ll accept whoever he is and I’ll be on his side no matter what happen. I want you also to know Tata that I’ll say Yes if he’s going to propose to me. I will.”naiyak na rin ako ng makitang siyang sobra ang iyak.

Mexis' Revenge Operation(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon