Sorry for typos and wrong grammar. Enjoy reading.
Chapter 13
Confession
“Si Nathalia talaga yun?”
“Oo. Nag aaway sila ni Mexis.”
“Akala ko ba mabait siya? Inamin niya naiinggit siya kay Mexis. Totoo ang sinasabi ni Mexis na nagpapanggap lang siya.”
“Oo nga. Hay. Akala ko pa man din totoo na. Si Mexis naman pala ang totoo.”
“Naloko tayo ng plastic.”
“Ano ba kayo baka ginawa lang yun. Si Mexis yan noh? Kaya niyang gumawa ng ganun.”
“Impossible naman no. Boses na boses ni Nathalia yun at tsaka hindi naman ganun si Mexis. Hindi siya desperado na magpagawa kasi nga totoo siya.”
“Sama talaga ni Mexis.”
“Sinisiraan niya si Nathalia.”
“True, girls.”
Wala akong pakialam kung may naniniwala o wala. Hindi kasama sa plano ko yun. Alam ko ang totoo na hindi ako ang gumawa non.
“NAPAKASAMA MO MEXIS!”napalingon ako sa sumigaw. Oh siya nanaman! Yung babaeng sumigaw sakin ng “SANA MAMATAY KANA MEXIS!”Oh little girl. I’m already done to you but you’re back again.
“What the hell are you saying?”tsaka ko siya tinaasan ng kilay.
“Sinisiraan mo si Nathalia!”tumawa ako sa sinabi niya. “Alam kong ikaw si COCA COLA na nagsent ng audio. Gawa-gawa mo lang iyon para masira siya dahil galit ka sa kanya.”Ish!
“Loveduh! Kung magsesent nalang ako ng audio, sasabihin ko nalang ang pangalan ko doon. Kaya pwede ba wag niyo nanaman akong pagbintangan.”inis kong sagot.
“Kinasabwat mo pa ang anak ng may ari ng school para safe ang kalokohan mo.”tsaka siya tumawa. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang braso niya kaya napadaing siya.
“Walang kinalaman si Cassie o si Cale kaya wag mo silang dinadamay dito. Kung sinabi ko sayong hindi ako ang gumawa non, hindi ako. Nagkakaintindihan ba tayo?”I said through my gritted teeth. Tumango tango lang siya kaya binitawan ko na ang braso at napadaing siya.
“Ang sama mo Mexis!”napatingin muli ako sa sumigaw. Then I saw Nathalia crying, ang kasama niya lang ay ang The Killers.
Ito nanaman ang makakuha ng attention, ang paghaharap naming dalawa. I’m ready for this, always ready. I know to myself na hindi ako ang gumawa non.
“Oo masama talaga siya!”sigaw ng isang babae na nakaskirt at shirt.
“Siya ang nagsent non panigurado para masiraan si Nathalia!”sigaw ng isa naman na nakajeans at shirt na nakaupo sa may gilid ng corridor.
“BITCH KA TALAGA!”
“Pathetic!”
“Naninira ng tao!”
“Huminahon muna kayo.”sambit ni Nathalia. Ish! Napakagaling niya talaga.Tumigil naman sila sa pagsigaw. Tinignan ko lang lahat ng sumigaw sa akin na ikinainis nila.
BINABASA MO ANG
Mexis' Revenge Operation(Finished)
RandomMexis is back and she would bring down those people who underestimated and bullied her. Just relax, take a big breath and wait for the GRAND COME BACK of Megan Alexis Amanda.