Chapter 15

248 10 2
                                    

Chapter 15

The Gift

Mexis’ POV

“Sigurado ka ba talaga?”tanong ulit ni Ate Andrella sa akin.

“Paulit ulit ka naman eh. Kaya ko na Ate. Promise na promise. Kailangan kong harapin ang mga tao. Kahit hindi nila alam ang nangyari kailangan ko pa rin. Pupunta pa ako sa Guidance dahil sa ginawa ko.”tumango tango ulit si Ate Andrella pero hindi mawala sa mata niya ang pag aalala.

“Tara na.”sumunod na kami ni Ate kay Marcos.

“Ako na ang bahala kay Alex, Andre. Baka hinahanap ka ng papa mo.”

“Wala ka bang gagawin?”tanong ko sa kanya. Umiling ito.

“Hindi pa natin kilala yung nagtext sayo Alex. Habang hindi pa natin kilala, hindi ka pa sigurado kung ligtas ka o hindi.”seryosong sambit nito habang nagdradrive siya patungo sa company namin.

“Musta ang underground battle? Mukhang wala kang galos ah?”tanong ko muli. Tumawa ito pero mabilis lang.

“Hindi ako pumunta kasi hinanap kita. Aba yung darling ko nawawala tapos makikipaglaban ako? Baka hindi rin ako makapokus at ikaw lang iniisip ko.”natawa si Ate Andrella.

“Sweet naman ng darling ko.”inemphasize ko ang darling para kunwari bitter. Joke. Napatigil ang kotse sa harap ng company namin.

“Mag ingat ka Alex ah? Lagi mong irereport sa amin ni Marcos kung nasaan ka. Tsaka na tayo magpapaliwanag kila Mama sa hindi mo pag uwi nang dalawang araw.”tumango tango nalang ako. Lumabas na siya ng kotse at pinatakbo muli ni Marcos at kotse papunta school.

“Hindi mo maalala kung sino ang lagi mong binabanggit nong lasing ka?”Huh?

“Meron akong binabanggit? Seriously? Sleep talk?”di makapaniwalang tanong ko.

“Wag ka na ulit mag lalasing. Matindi ka palang malasing eh. Sinukaan mo ang carpet sa sala ng condo ko. Hinila hila ka pa ni Cale para matulog dahil pag kami mag hahawak sayo nagagalit ka. Kung makadikit ka kay Cale parang ayaw mo na siyang mawala. Mag uumaga na nang makaalis siya sa yakap mo ibig sabihin magkatabi kayong natulog dahil wala naman siyang choice. Kahit tulog ka ng mahimbing, bantay sarado siya sa paa at kamay mo.”Napalaki ako ng mata. Totoo? As in walang halong biro?

“Oh totoo yang sinasabi ko kahit itanong mo pa kay Cale at Blyte. Aba pulang pula na nga ang mukha ni Cale nang magkatabi kayo sa kama. Mabuti nalang hindi ako ang napakalma sayo kaya hindi ako nasa posisyon ni Cale. May pagnanasa ka ba kay Cale?”pinalo ko siya sa kamay na ikinadaing niya. Geez! Nakakahiya.

“Wala.”sambit ko.

“Wala daw halata na nga sa kinikilos mo non. Si Blyte naman ang bestfriend mo pero bakit si Cale ang hinahanap mo. Puro ka kaya Cale ng Cale, paulit ulit.”Siya ang binabanggit ko? Masaklap pa andoon si Cale. Waaaaaaah! Nakakahiya talaga ako. Nakita na rin ni Cale ang katawan ko. Sobra nahihiya na ako at ayoko nang magpakita pa sa kanya.

“Shit nakakahiya. Ayoko nang pumasok at ayokong makita si Cale. Ayoko na!”napatawa naman si Marcos.

“Sorry darling but no turning back. Malapit na tayo.”Oh shit! No! Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit si Cale ang binabanggit ko? Walangyang bunganga talaga ito walang masabing matino.

Mexis' Revenge Operation(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon