Chapter 5

389 17 3
                                    

Chapter 5

Enemies turns to Bestfriend?

 

“Si Mexis at Ethan na ba?”

“Sila na ba talaga?”

“Oo daw eh. May nakakita sa kanila kahapon na makahawak kamay na bumaba mula sa rooftop at pagkatapos nagdate sila. Siguro nga sila na,mukhang masaya pa nga silang dalawa eh.”

Ako nanaman ang laman ng usapan ng mga ito. Tsk! Yeah nagdate kami ni Ethan kahapon. Sinabi niya nong una gusto niya lang akong pangitian kaya pumayag ako. Natuwa naman ako at nakalimutan ko yung problema ko.Pauwi na kami nong sinabi niyang date namin yun.

Ibang Ethan ang kasama kahapon,hindi mo aakalain na siya yung casanova type.Ibang iba talaga. Maraming lumalapit sa kanya kahapon na babae at tinatawag siyang babe pero pinapakita lang niya ang magkahawak naming kamay at iniiwan yung babae. Feeling ko nagkamali ata ako,feeling ko anytime mafafall nanaman ako sakanya.Hindi pwede,kailangan kong pigilan! Ito na ba yung sinasabi ni Bylte na sa simula lang talaga.

Down na down ako ngayon,hindi active ang pagsusungit ko.Naalala ko pa rin kasi yung pagkawala ng bestfriend ko. Simula palang ng kwento ko,nag away na kami. Hindi pa nga nakikita ng mga reader o i mean nababasa ng reader kung gaano kacaring si Blyte eh. Caring naman yung bakulaw na yun eh pero in shy way.WALA NA BA TALAGA? UWAAAAAAAAAAAAAH! T__T Anong gagawin ko?

Napatigil ako sa pag iisip ng may makita ako isang lalaki at dalawang babae na masaya at nakaupo sa damuhan. Mukhang masaya na si Blyte kay Angela at Hannah. Yeah! Hannah ang pangalan ng babaeng laging kasama ni Angela. Sinabi lang sa akin ni Jake kahapon sa text. Nang makita ko silang nagtatawanan biglang naging active ang pagiging bitch ko. Arghhh!

“MEXIS!!”

“WHAT?!”sigaw ko tsaka ako lumingon.Tsk! Si Jake lang pala ang tumawag sa akin. Parang gulat na gulat naman ang mukha ni Jake sa pagsigaw ko.

“Ah sorry Mexis,mainit pala ang ulo mo. Sige sa susunod nalang.”sabi niya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

“Jake sandali. Ano ba sasabihin mo?”Napalingon naman siya sa akin.Umiwas nalang ako ng tingin at sa pag iwas ng tingin ko sa direction nila Blyte ako napatigil. Nakatingin lang sila sa akin.Nakangiti si Angela sa akin,isang nakakalokong ngiti.Tumingin ulit ako kay Jake.

“Ah hindi naman siya importante eh. Ah. eh.”sabay kamot niya sa ulo. Napataas nalang ako ng kilay sabay crossed arm. “Yayain lang sana kitang magmeryenda kasama sila Trix.”Trix? Who’s that?  Ow wait,I remember him already,He’s one of Jake’s friend.

Naglakad ako at nilagpasan siya.

“Ahm. Mexis,ayaw mo ba?”tanong niya.Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

“May sinabi ba akong ayaw ko?”tsaka siya umiling. “Then let’s go.”tsaka ako lumakad ulit. Naramdaman kong tumabi siya sa akin at sinabayan sa paglalakad.

*

“Hi Mexis.”bati ni Trix pagkadating namin ni Jake,kumaway ako ng matamlay sa kanya tsaka umupo sa bakanteng upuan.

“Bad mood yan tol.”rinig kong bulong ni Jake kay Trix.

“Hey Jake I’m hungry."

"Ah sige. Wait lang."tumayo siya tsaka siya pumunta sa may counter.

"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon Mexis?"tanong ni Trix sa akin. Medyo feeling close siya,sarap pektusan.

Mexis' Revenge Operation(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon